20th

159 5 3
                                    

Chapter 20

Ilang linggo na akong namamahay sa bahay nina sir. Since marami siyang inasikaso ay hindi siya nakakauwi. May item na kasi at sakto na malapit lang. Nagsimula na siya pumasok makalipas ang isang linggo. Ngayon ay nauwi na ulit siya kaya naman medyo nakakaramdam na ako ng hiya.

Nang matapos kami sa assistantship namin ay naging busy na kami. Enrollment, exit interview, evaluation of grades, final demo, at marami pang iba.

Sunod-sunod rin ang mga naging bayarin namin pagdating sa mga uniform at mga kakailanganin namin para sa internship namin. Umuwi naman ako sa bahay pero ang mga gamit ko ay nanatiling nasa bahay nila sir. Habang hindi pa nag-istart ang pasukan ay tumutulong ako sa kanila syempre naman ay binabayaran nila ako lalo na at may pasok si Jeyda kaya kailangan ng mama niya ng tulong sa pamamahala sa pinaparentahan ni sir Miah. Kapag gabi naman ay paminsan-minsan ako tumutulong sa kaniya sa mga trabaho niya para sa klase niya kinaumagahan.

Nang tumuntong ang pinning rites namin ay kapatid ko ang kasama ko dahil may seminar sina mama. Kasama naman si White kaya nagcelebrate kami sa labas pagkatapos kasama na si mama. Nang malaman ko kung saan ako ay tuwang-tuwa ako. Magkakasama kami at least kahit papano ay may kakilala ako.

Magkasama kami ni Hail sa isang school. Si Kiarra ang napunta sa ibang paaralan. Kaya kailanganan namin pagtiyagaan ang isa't-isa.

"Pwede ka sumabay na sa akin papunta sa school."

Tumango ako habang nag-aayos ng mga pinagkainan namin habang nasa harapan na kaagad siya sa laptop niya.

Buhay teacher.

"Nakita ko may motor ka ah. Marunong ka?" tanong ko.

Tumango siya na hindi ako tinatapunan ng tingin.

"Hindi gaano. Mas nagagamit pa iyon ni Jeyda."

"Mayaman ka pala. Hindi halata sa'yo, sir. Ba't commute ka lang dati?" tanong ko lalo at naaalala ko na parati ko siyang nakakasabay noon.

"Wala pa ako lisensiya noon. Busy kaya I have no time to fix it."

Tumango-tango na lang ako.

"Ako na maghuhugas at ayusin mo na ang uniform mo para bukas, Palm. Marunong ka ba magplantsa?" tanong ni Auntie Jess na nanay ni Jeyda.

"Sige po. Marunong ako, Auntie. Ako na po bahala sa uniform namin."

Hindi na nakasabay sa amin kumain si Jeyda dahil tulog na raw at pagod na pagod. Marami raw naging ganap sa school nila kaya nakatulog kaagad pagka-uwi.

Dumiretso ako sa k'warto ni sir dahil nandoon ang plantsa. Isinabay ko na rin ang uniform niya habang siya busy sa mga kung ano-ano sa laptop niya.

Halata sa mga mata niya ang pagod pero hindi ko na lang pinansin. Kumuha ako ng kape dahil mukhang iyon naman ang makakapagpagaan sa loob niya.

"You should sleep. Maaga tayo bukas lalo na at monday."

Tumango ako bago inilapag ang tasa ng kape sa tabi ng laptop niya.

"Tulog ka na rin after niyan. Una na ako." Tumango lang siya bago sumimsim sa kape.

Nauna akong matulog at inagahan ko ang pag-gising. Naabutan ko naman na maaga pa si Auntie sa akin na naghahanda ng umagahan.

"Ang aga mo, Palm."

Tumango lang ako saka nagsimulang magtimpla ng kape.

"Nag-alarm kasi ako, Auntie. Ang ending nauna naman na ako sa alarm ko."

"Huwag ka na mag-alarm. Gigisingin na lang kita at mukhang may sumpa kapag nagsi-set ka ng alarm eh."

Walang palya talaga iyon. Once na nag-aalarm ako parati ako nagigising bago pa iyon mag-ingay. Inayos ko na lang ang mga gamit ko maging ang bawat baunan namin ni sir. Nang magising siya ay pinagtimpla ko siya ng kape. Halatang kulang pa sa tulog.

Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon