Amber's POV
HIRAP na hirap ako sa dala kong box na dadalahin sa faculty. Napag-utusan ako ng lecturer na magdala doon. Halos hindi ko na makita ang nilalakaran ko dahil sa laki ng box.
May galit yata sa akin ang lecturer na 'yon.
"Ayy palaka!" Natumba ako patalikod ng may mabangga ako.
Ang sakit ng puwet ko.
"Oh, my god!" Mabilis akong napatayo ng marinig yon.
May nasaktan ba ako?
"I'm sorry." I unconsciously took her wrist to check kung nasaktan siya at sinipat.
She hissed. "Don't you dare touch me." Mabilis niyang kinuha ang braso niyang hawak ko. Na ikinabigla ko. "Ouch!" Mabilis ko siyang nabitawan dahil nakalmot siya ng kuko ko sa biglaang paghigit ng braso niya.
"S-Sorry! Sorry. Let me take you to the clinic." Pero nagulat ako nang bigla niya akong sampalin. Hindi agad ako naka-react sa ginawa niya.
"Loser." Saad nito. Sa gulat ay hindi agad ako nakakilos nakabaling pa rin sa kaliwa ang mukha ko.
"Hindi ko sinasadya. Bakit nanampal ka? I already said sorry." Napadaing ako ng humapdi ang kaliwang pisngi ko.
"Why? Tinanggap ko ba ang sorry mo?" Mataray na anito. "Tatanga-tanga ka kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo." Lumapit siya nang ilang hakbang na nakapagpaatras sa'kin.
Shit! What am I going to do?
"Nakita mo namang may dala akong box di'ba? Hindi ko alam na mababangga ko kayo." Tumingin pa ako sa tatlong kasama niya na parang sasakmalin ako.
"Ha! How dare you talk to me like that? Do you know me?"
"Nag-sorry na ako di'ba?" Gusto ko nang umalis dito pero nakaharang sa dadaanan ko ang tatlong kasama niya.
"Talaga ba--" Natigil ang sasabihin niya nang may tumawag sa kaniya.
"Honey?" Bumaling ako sa lalaking tumawag dito. "Anong nangyayari dito?" Maangas na tanong nito.
"Paano kasi ang babaeng ito, binangga ako tapos siya pa ang galit." Sumbong nito sa lalaki at saka lumapit at pumulupot na parang linta.
Sinungaling.
Tatalikod na ako nang may humawak sa pulsuhan ko. "Matapang ka ba?" Anito na kinagat pa ang ibabang labi. "Hindi mo ba kami kilala?" Tinulak tulak niya ako, bahagya akong kinabahan dahil lumalakas ang pagtulak niya.
Shit! Masakit pa nga ang pisngi ko eh.
Napapikit ako nang umangat ang kamao niya.
"Amber?" Mabilis akong napamulat at nakita si Lenox na kunot ang noo at nakatingin sa lalaking nasa harap ko.
"L-Lenox..." Gumaralgal ang boses ko nang tawagin siya. Lumapit siya sa akin at bahagyang tiningnan ang pisngi ko, nakita ko pang mag-igting ang panga niya.
"Anong ginawa sayo nito? Anong nangyari diyan?" Turo niya sa lalaki bago binalingang muli ang pisngi ko, sa panginginig ko ay hindi ako nakasagot.
"Huwag ka ngang mangialam dito. Tuturuan ko ng lesksiyon ang babaeng ito." Mabilis siyang lumapit sa akin pero humarang si Lenox.
"Don't make another step closer." Seryosong ani Lenox.