Hindi naging maganda ang gising ni May dahil sa kanyang napanaginipan kagabi. Hindi maalis sa isip niya ang mga pangyayaring nakita niya kaya nawalan siya ng ganang kumain. Sinabihan siya ng kanyang ina na wag munang pumasok, ngunit nagpumilit siya. Idinahilan niyang may mahabang pagsusulit sila, pero ang totoo gusto lang niyang makausap si Princess.
Habang nasa byahe ay itinuon niya ang kanyang atensyon sa pagtingin sa paligid mula sa bintana ng kotse. Ilang minuto na siyang nakatulala nang bigla siyang magulat dahil sa biglang pagpreno ni Mang Harry. May isang pulis pa na pumara sa kanila sa harap ng ginagawang club house sa kanilang subdivision, kaya agad na bumaba ang drayber nila.
Mula sa loob ay kitang-kita niya ang ilang mga pulis na abalang-abala sa pagtataboy ng mga taong gustong mag-usyoso sa nangyayari. Pabalik na si Mang Harry nang maisipan niyang lumabas ng kotse. Nagpumilit siyang lumapit sa mga tao, kahit na pinipigilan siya nito.
Agad siyang napatakip ng kanyang ilong nang makababa na siya."Ano kayang mayro'n dito?" aniya habang palapit siya sa kumpulan ng mga tao.
Napahinto siya sa paglalakad nang marinig niya ang pag-uusap ng mga taong naroroon.
"Kawawa naman yung taong yun...." ani ng isang matandang babae, "....pinatay na, ibinaon pa sa lupa at sinimento..."
"Di na rin makilala, dahil naagnas na daw..." sagot naman ng isang babae sa matanda.
Kinilabutan siya sa kanyang mga narinig, kaya naisip niyang walang konsensya ang gagawa ng ganung karumal-dumal na krimen.
Magtatanong pa sana siya sa kanila ngunit itinaboy na sila ng mga pulis. Mabilis na nakaalis ang ambulansyang lulan ang nasabing bangkay. Unti-unti na ring nagsipag-alis ang mga tao, ngunit may kung anong nag-utos sa kanyang manatili roon.
Sa paglinga-linga niya sa paligid ay isang bagay ang nakita niya sa di kalayuan sa lugar na iyon. Hindi siya sigurado kung ano ba iyon, pero naramdaman niyang kailangan niyang makuha iyon. Pero hindi na niya nagawa dahil tinawag na siya ni Mang Henry. Malapit na siya sa kotse nang may makasalubong siyang isang matangkad na binatilyo.
"Di ka ba natutuwa..." ani nito sa kanya bago lumakad palayo. Hindi niya alam kung siya ba ang kausap nito pero naramdaman niyang siya nga ang sinabihan nito.
Takang-taka siya sa mga sinabi nito kaya hinabol pa niya ito ng tingin . Pero lalo siyang naguluhan sa huling katagang binitiwan nito bago tuluyang umalis.
“Magkikita na rin kayo…”
Ito nga ba ang mga katagang narinig niya o baka nagkakamali lang siya.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
“Jaime!”
Agad na napalingon si Jaime dahil sa pagtawag sa kanya ng kanyang kaibigang si April Joy. Humahangos ito sa pagtakbo habang palapit sa kanyang kinauupuan.
“Oh, ano yun? Bakit ka tumatakbo?” usisa niya.
Naupo muna si April Joy bago siya sinagot. “K-kasi…eh, may nakita ako…”
“Ano yun? Sabihin mo…”
Inilabas ni April Joy ang kanyang aklat sa Physics. Mabilis niyang inilipat ang mga pahina nito, na tila may kung anong hinahanap. Meron nga, dalawang puting sobre ang nakaipit sa mga pahinang 112 at 113.
BINABASA MO ANG
May Rain's Tears
RomanceHanggang kailan ka maghihintay sa pagbabalik ng iyong minamahal? Panghahawakan mo ba ang kanyang pangako o hahayaan mo'ng lunurin ka ng iyong pangungulila? ©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro