Nang makarating si Dahlia para magbantay ay agad na umalis ang mag-ama. Ibinilin na lamang nila sa kanya na huwag munang magkukwento sa kanyang ina.
Sa isang maliit na punenarya sa Caloocan ang Soliman Funeral Homes, nakarating sila Mando at Darius. Kahit na kinakabahan na si Mando ay kailangan nilang makasigurado. Naabutan din nila doon si SPO1 Salas na naroon din upang mag-imbestiga.
Nang makapasok sa loob ng punenarya ay sinalubong sila ng isang embalsamador. Dinala sila nito sa isang kwarto upang doon hintayin ang bangkay.
"Sir, eto po ang mga damit na suot ng biktima nang siya'y matagpuan..." ani ng embalsamador sabay abot ng isang puting plastik kay Mando.
Naglalaman iyon ng isang pulang T-shirt, na Penshoppe ang tatak, na halos tadtad ng butas sanhi ng napakaraming saksak sa katawan ng biktima. Kasama din doon ang isang maong na pantalon na kulay putik na ang kulay.
"Pa..." ani ni Darius sa amang natulala nang matanggap iyon.
Napakatahimik ni Mando habang matamang sinusuri ang lahat ng detalye sa mga gamit na natagpuan. Di niya alam ang gagawin kung totoo nga na si Dino iyon. Wala siyang sisisihin kundi ang kanyang sarili. Kung di siya naging mahigpit sa anak, di sana nito naisipang lumayas.
"Sir, nakikilala nyo po ba ang mga yan?" usisa sa kanya ni SPO1 Salas.
"Sandali lang po..." mahinang tugon niya bago lumapit muli sa embalsamador.
"Sana nagkakamali lang kami..." bulong ni Darius sa kanyang sarili. Naniniwala pa rin siyang buhay ang kanyang kapatid.
Makalipas ang ilang minuto ay inilabas na ang isang kamang kinalalagyan ng katawan ng biktima. Kinakailangan nilang magsuot ng face mask upang kahit paano'y di maamoy ang baho nito. Ilang beses na rin itong tinurukan ng formalin upang di bumaho. Inilagay ito sa freezer upang di tuluyang maagnas hanggang di pa nakukuha ng mga kamag-anak. Gusto na sana ng may-ari ng punenarya na ilibing na siya dahil naagnas na nga't namamaho, pero pinilit sila ng mga pulis na wag muna dahil di pa siya nakikilala.
"Kaya nyo po ba...?" tanong muli ni Darius sa amang di niya alam kung kakayanin ba ang makikita.
"Darius, wag mo akong alalahanin..." tugon nito na lumapit na sa harap ng nakatalukbong na bangkay.
Napakabilis ng pagtibok ng mga puso ng mag-ama habang unti-unting inaalis ang kumot.
"Di-Dino?..." ani ni Mando nang makita ang halos naagnas na mukha ng kanyang "anak". Kahit nga sino ay di agad iyon makikilala.
Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha nito. Isang bagay ang napansin niya --- ang dalawang maliliit na nunal sa leeg nito.
"ANAK!!!" sigaw niya nang makasigurong si Dino nga iyon. Tandang-tanda niyang ang mga nunal na iyon, kaya agad niyang ng napakahigpit ang katawan nito.
Patakbong lumalapit sa si Darius sa kanyang ama. "Pa..." Napatulala siya sa kanyang nakikita. Totoo nga ang hinala ng mga pulis...
"Anak! Bakit?!" sigaw muli ni Mando, "Sino'ng may gawa nito sa'yo?!" Humahagulgol na siya habang nakaluhod sa sahig.
Awang-awa si SPO1 Salas habang pinagmamasdan ang kalagayan ng mag-aama. Naalala niya ang panahon nang matagpuan ring patay ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki. Kaya napatulo na rin ang kanyang mga luha.
BINABASA MO ANG
May Rain's Tears
RomanceHanggang kailan ka maghihintay sa pagbabalik ng iyong minamahal? Panghahawakan mo ba ang kanyang pangako o hahayaan mo'ng lunurin ka ng iyong pangungulila? ©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro