Luhan's POV
Nagising ako nang narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa baba. Sigurado akong hindi si aura yun dahil nag paalam na siya na doon muna siya sa ospital para mabantayan si kai. May magnanakaw ba? Kinakabahan akong lumakad papunta sa pintuan
Kinuha ko ang baseball bat ko at dahan dahang lumabas ng kwarto ko. Medyo madilim sa sala pero naaaninag kong may tao nga, pero bakit isa lang? Manloloob na lang siya ng bahay di pa siya nagsama? Ay. Baka nasa labas yung iba niyang kasama. Kailangan kong mag ingat
Dahan dahan akong pumunta sa switch ng ilaw para makakita ako ng maayos.Kahit kinakabahan ay In-on ko to pero laking gulat ko nang nakita ko si aura na may namumugtong mata. Mukha siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa mukha niya na halatang kakagaling lang sa pag iyak
Agad ko naming naibaba ang baseball bat na naka ready na para ipalo sa kung sino man. Ano ba nangyari sa batang to? Akala ko ba dun siya matutulog sa ospital?
Agad ko siyang nilapitan at nakita kong hawak hawak niya ang pendant ng kwintas na suot niya. Ayun yung binigay sa kanya ni mommy nung nag dinner sila ni kai dito. Kay ate mira nga pala yun.
Tumingin siya ng diretso sa akin at nakita ko na ng malapitan ang mukha niya, namamaga na talaga ang mata niya at nagsisimula nanamang mamumo ang mga luha dito. Aakbayan ko n asana siya nang bigla siyang nagsalita
"Kuya, may alam ka ba sa papa ni kai?" Nagtaka naman ako sa tanong niya. Hindi pala kwento si kai pero may nabanggit sakin sila kris na mga kababata niya tungkol sa daddy ni kai.
"Bakit mo naman natanong?" Nagdadalawang isip ako kung ako dapat ang mag kwento sa kanya pero base sa mukha ng kapatid ko ngayon, gustong gusto niya malaman.
"Kuya...please" may kumawalang hikbi sa kanya pagkatapos niyang magsalita. Inalalayan ko siyang umupo sa sofa at tumabi ako sa kanya. Tumingin siya sakin na halatang naghihintay ng sasabihin ko.
I sighed. Mukhang wala na kong magagawa kundi ikwento sa kanya
"Nakwento sakin nila kris na ang papa daw ni kai ay namatay nung bata pa lang siya. Sa mismong harapan daw ni kai namatay ang papa niya dahil may niligtas na batang babae. Sobrang na trauma si kai dahil dun, sino ba namang hindi? Nakita niya harap harapan na namatay ang tatay niya. Sabi din sakin nila kris na galit na galit si kai dun sa batang babae. Sagad nga daw hanggang sa pamil--" di ko na natapos ang sasabihin ko nang nagsimula nanaman siya umiyak at magsalita.
"Hindi naman sinasadya ni ate eh. Alam kong walang kasalanan si ate mira" nung una akala ko ako ang kausap niya but then I realized na parang kinukumbinse niya ang sarili niya. Bahagya din akong nagulat nang narinig ko ang pangalan ni ate mira.
"Aura. Bakit ka nagkakaganyan? Ano ba kasing problema?" Medyo naguguluhan na ako sa inaakto niya. Anong kinalaman ni ate mira dito? Matagal na siyang patay
"Kuya. Si ate mira, siya yung batang babae na tinutukoy ni kai" nagulat ako sa sinabi niya. Pano naging si ate mira yun? Wala kaming ka alam alam na nasangkot siya sa isang aksidente. Wala din naming nakwento samin sila mommy tungkol dito
"baka nagkakamali lang sila. Alam naman natin na di nasangkot si ate mira sa isang aksidente di ba?" takang tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa kwintas na hawak hawak niya pa din habang nakasabit sa leeg niya
Dun ko lang naalala yung mga sinabi sakin nila kris, na ang naaalala lang ni kais a batang babae nay un ay ang kwintas na suot nito nung araw na niligtas ito ng papa niya at namatay.
Tumingin ako sa kapatid ko. Halatang inaantok na siya at pagod na pagod na.
"Umakyat ka na muna aura. Bukas na tayo mag usap" Tumango lang siya at iniwan ako dun sa sala. Umupo muna ako sa sofa dahil parang nawala na ang antok ko. Nag isip isip ako tungkol sa mga nalaman ko kay aura
Posible nga ba? Si ate mira ba talaga at ang batang yun ay iisa? Kung ganun nga, kakamuhian ba ni kai si aura? Nag aalala ako sa kapatid ko.
Aura's POV
Nagising ako sa sinag ng araw na natama sa mukha ko. Lumingon ako para tignan kung anong oras na. 10 am na pala, wala kaming pasok ngayon kaya okay lang na tanghali na ako gumising
Naglakad ako papunta sa salamin at nakita ang mugtong mata ko. Pano ko itatago kala mommy? Baka mag tanong sila ng magtanong
Nakatulala lang ako ng biglang may nag bukas ng pintuan ko at nakita ang nagmamadaling si kuya
"Aura! Tumawag sakin si kris. Gising na daw si kai" Agad akong nabuhayan ng loob sa narinig ko kay kuya pero bigla akong kinabahan, pano pag galit nga siya sakin? Anong gagawin ko?
"Aura. Ano, sasama ka ba?" Saad ulit ni kuya. Tumango ko at sinabing magpapalit lang ako ng damit. Agad naman siyang bumaba at sinabing hihintayin niya na lang ako doon
Lucy's POV
Kakagising lang ni kuya at nandito na din ang mga kaibigan niya maliban kala aura. Dadating pa kaya yun matapos malaman ang katotohanan?
"Ang tagal naman nila luhan. Kai, alam mo bang gusting gusto ka na makausap ni aura?" masayang sambit ni lay kay kuya pero pare parehas kaming nagulat sa sagot niya...
"aura..." saktong bumukas ang pintuan at pumasok si luhan kasama si aura na halatang umiyak ng sobra kagabi base sa mata niyang namumugto. Nakaramdam ako ng awa sa kanya, hindi naman niya kasalanan to pero hindi pa rin mawawala ang galit ni kuya sa kanila.
Aura's POV
"Kai!" Agad akong lumapit kay kai. Wala akong pake kung galit pa siya sakin ngayon dahil sa nalaman niya. Ang gusto ko lang ay mayakap at makausap siya
Laking gulat ko nang tinulak niya ako palayo at tinignan ako na parang nagtataka. Lumabas sa bibig niya ang di ko inaasahang mga salita na siyang nagpatigil sakin.
"Sino ka?"
-----------------------------------------------------------
Hi guys! Salamat sa pag babasa, Sorry late UD. Medyo busy na po kasi ako.
----> Author
BINABASA MO ANG
Let's play a love game (Exo kai FF)
HumorL O V E That is the feeling that he doesn't know he doesn't know how to love but I will prove him wrong I will make him fall inlove but what if I'm the first to fall? Will he catch me or let my heart be broken? Will I just be one of the...