Author's POV
Nabalot nang katahimikan ang lugar na iyon, isa sa mga rason ay hindi nila inaasahan na ganito pala magbiro ang paaralan na 'to.
Ngunit ilang sandali lang ay malakas na nag tawanan ang lahat, isa pa nga sa kanila ay malakas na nagmura sanhi nang pag sita sa kanila ni Captain Loy.
"Alright, alright, Quiet! Hehe so funny right? Anyway, Let's start this game!" Ani ni Captain Loy.
Isa isang tumayo ang mga sampung taong pinili ni Captain Loy, isa na roon si Yseult.
"Goodluck, Yseult! Ipaglaban mo ang bayan! Yeaaaah!" sambit ni Kuro.
"Napaka oa." maliit na ani naman ni Yseult at tumayo.
Yseult's POV
Sa lahat nang nagtaasang kamay, ako pa talaga napili ah.
Captain Loy: "Okay! I think everyone's ready now, Right?"
Lahat naman kami ay tumango. Hindi ko alam ba't ako pa napili, baka matapilok pa ako ah ang dami pa namang tao. Kainis!
"Bring me... An empty bottle!"
Teka!? Wala man lang warm up? Bwisit!
Mabilis akong tumakbo at naghanap. Malapit na ako sa kakahuyan. I was about to leave when I saw an empty bottle! Okay... Just five steps away... WHAT!!?
Tumakbo ako nang mabilis at hinihingal nang may marinig akong yapak malapit doon, ending ay hindi ko nakuha 'yong empty bottle! Ugh!
Section B won in the first round.
You shouldn't have picked me, 'yan tuloy.
"It's okay, everyone makes mistakes. Remember?" ani ni Leary nung napaupo ako sa tabi niya.
"Grabeng mukha 'yan, inis na inis." biro naman ni Kuro.
Who wouldn't? I should've won, but... Hays! bwisit na mga multo kasi 'yan e!
#Traumatized
Kuro's POV
"Nag volunteer ka pa talaga ah! Lakas amats!" sambit ni Fudge na kanina pa natatawa, anong meron? Ipaghihiganti ko ang section natin guys! Ako na 'to.
"For second round! Bring me... A... —" hindi natuloy ang sinasabi ni Captain Loy nang biglang may malakas na ulan ang dumating. Ano ba 'yan! Mabilis kaming pumunta sa kanya kanya naming Tents. Pansin ko rin na may sumusunod sa 'kin na naka frog costume, Sino ba 'to?!
...
Nagkatitigan lang kami ng naka Frog costume na 'to sa loob ng tent. Awkward..."Teka... Hindi ba... Ay gago! Seht ikaw ba 'yan?" tanong ko nang napagtanto kong isa pala sa mga naka frog costume si Seht!
Dali dali naman nitong inalis ang kaniyang costume.
"Ikaw pa talaga natakot nung sumusunod ako sa 'yo ah." ani nito.
Nami's POV
Napakamalas talaga ni Kuro.
Mabilis kaming nagtakbuhan lahat, isa sa kanila ay nabangga ako.
"Aray..." mahinang bulong ko na lang sa sarili ko, alam ko namang hindi sinasadya ng tao na 'yon. Pero ramdam ko ang pagbagsak ng paa ko sa isang hindi kalakihan na bato, hindi ko maigalaw sanhi ng malakas na pagtumba ko, tatayo na sana ako ng may naka frog costume sa harap ko na nakatalikod.
Hindi siya nagsasalita pero alam ko ang tinutukoy niya, umupo siya at itinuro ang dalawang hinlalaking daliri niya sa likod niya.
YOU ARE READING
The 13 Pets
RandomLeary Alerie, a young girl who recently transferred to a new school. She was nervous as she thought she was the only transfere there. Little did she know, there's more of them to meet and that's when the bond started. Leary Alerie and her 12 pieces.