Aeris's POV
MAGKAKASAMA kaming tatlo nina Alyk at Kim. Gusto daw nilang malaman kung ano ang RP World. After naming mag-lunch sa mall ay dito kami dumeretso. Walang schedule nang war ang gang namin sayang nga at gusto nilang mapanood kung paano lumaban sa battlefield ang DSA.
Pumunta kami sa bulletin board kung saan pino-post ang mga importanteng details ukol sa gang at arena. Dahil may tatlong arena sa loob ng RPU ay tatlo din ang bulletin board. Pero iisa ang battlefield.
"Ang daming nagre-recruit oh?" Tiningnan ni Kim ang bagong built na gang.
"Natural lang iyan dahil bagong built ang gang nila. Pero mahirap iyan na ngayon na sobrang dami ng gang." Sagot ko habang tumitingin nang mga Task nang ibang arena.
"Marami ba ang gang dito?" Si Alyk na nakitingin na din.
"Not sure eh. Hindi ko alam kung ilan ang gang nang ibang arena. Pero sa MGT 38 kasama ang gang namin."
"Sayang talaga wala kayong laban ngayon."
"War ang tawag sa ganoon."
Alas kuwatro pa ang simula ng first division kaya naglibot-libot muna kami. May mga main na magkakatabi. Maraming nagkalat na gangster. Sa ganitong mga araw talaga ay akala mong nakawala ang mga students dito.
"Tour mo naman kami sa main niyo." Kumapit si Alyk sa braso ko.
"Oo nga naman Ae."
"What are you? Hindi pwedeng magpapasok sa main na hindi naman member." Paliwanag ko.
"Bakit naman?"
"Nasa rules iyon nang gang namin."
"Hindi ba kasali din iyong mga katabi mo na classmates natin?"
"Yup. Ang iba naman ay ibang section."
"Bawal kahit sa labas lang?" Kumapit na din sa kabila kong braso si Kim at sabay silang tumingin sa akin.
"Basta sa labas lang ah?" Napapabuntong hiningang saad ko.
"Oo nga! Curious lang naman kami sa buhay mo dito." Mahigit isang buwan pa lang nang mag-transfer sila dito.
At first hindi sila naniniwala na may ganitong sistema sa loob ng isang University. Kahit naman ako noong una ay ganoon din.
"Hala ang ganda." Manghang saad ni Kim.
"Bakit kayo lang ang nakapwesto sa area na'to?" Kuryosong tanong ni Alyk at naupo sa wooden chair sa harap ng maliit na fountain.
"Personal choice ni Commander eh, maganda nga kasi may privacy kami dito. Pero hindi maiwasan na may mga pumupunta pa rin para sabihing sasali sila."
Naupo ako sa katapat na upuan ni Alyk habang si Kim naman ay tinitingnan ang bawat detalye nang main sa labas.
"Shit!" Nagulat ako nang mabasa ang chat ni Zeke sa GC nang gang namin.
DSA GROUPCHAT
Zeke.
Sino ang nasa University ngayon? Nagkaroon nang changes sa schedule. May war tayo ngayon.Zach.
What?Kennan.
Wala ako sa University eh.Zeke.
Nasaan ang iba?Me.
Ako naandito sa main. Ilan ba ang representative? Kung isa lang pwede ako.Zeke.
Tatlo ang kailangan. Wala ka bang ibang kasama?