e i g h t: C16H13ClN2O

200 23 2
                                    

"Can't you just stop for a moment and spare the poor woman some coins?" Tanong sa'kin ni Mikaela nang may madaanang pulubi sa sidewalk.

"Para namang ginagawa mo no'ng buhay ka pa."

"Masamang tao talaga tingin mo sa'kin 'no? Hey, I may look like I have this blasé attitude but I'm actually kind-hearted. Sinumpa lang ako magkaroon ng RBF pero may paki ako, believe me. I care about people, kaya nga nag-med ako para makatulong sa kapwa. Samantalang ikaw? You seem like a good boy with a good heart but no. Sayang lang yung oxygen na hinihinga mo. Wala kang pakinabang. Para kang makapal na jacket sa Sahara desert at air-conditioner sa North Pole!"

Kagaya ko din namang walang pakinabang 'yong pulubi. "Hindi naman disabled 'yon, ba't siya uupo lang sa tabi at maghihintay ng limos?" Kwestyon ko habang hinahawak-hawakan ang mouthpiece ng suot na earphone para kunwaring may kausap sa cellphone. "Ba't di na lang siya magtrabaho para may pambuhay?"

"Pero matanda na siya. Maybe she's incapable." Giit ng multong nakasunod sa'kin.

Hindi rason 'yon. Edi 'yong madaling trabaho ang hanapin niya. Ano lang naman ba 'yong maging taga-hugas ng pinggan sa mga kainan?

"If you don't want to give fish, teach them how to fish then." Tila nanghahamong sabi ulit ng babaeng trip kong patulan minsan pero multo nga pala.

Napilitan akong huminto at bumaling sa apparition na si Mikaela. Mukhang nanghahamon talaga. Kainis.

"Ba't ka ba concern? Oportunista ang mga tao. Aabusuhin ka lang pag tumulong ka."

"At least tumulong ka pa rin. It's like believing that there's God. Wala man talaga o meron, at least may kinilala at sinundan kang Diyos while you're living."

Nagsalubong ang mga kilay ko. Pa'no niya naikonek 'yon samantalang tungkol sa pagbibigay ng limos sa marumi at mukhang mabahong matandang pulubi ang paksa?

Napabuga ako ng hangin kasabay ng pagbagsak ng mga balikat ko. Wala akong nagawa kun'di bumili ng pagkain at balikan ang pulubi para ibigay ito sa kanya.

Lumingon ako kay Mikaela dahil mas gusto kong makita ang magiging reaksyon niya kesa ng matanda. Isang ngiti mula sa intrimitidang multo ang nakuha ko.

"Salamat hijo."

Napatingin ako sa matandang nagpasalamat. Binawi ko ang bottled-water upang buksan dahil hirap nitong gawin 'yon saka muling iniabot.

"Salamat." Sambit ulit ng matanda matapos tumikhim ng tubig. "Kagaya ka rin ng kaibigan mo."

Hindi ko inaasahan ang sinabi nito. Nagkatinginan kaming pareho ng kasama kong multo.

Nakikita rin kaya ni lola ang nakikita ko?

"Si Mikaela?!" Di makapaniwalang tanong ko nang muli kong harapin ang matanda.

"Si Jessy." Ngiti nito na siyang lalong nagpakunot ng noo ko.

"Jessy?"

"Hindi ba ikaw iyong kaibigan no'ng binatang tumulong sa'king maipadala sa... sa... home for the aged ba ang tawag doon?"

Otomatiko akong napatango nang malinawan sa sinabi ni lola. Nakapagtataka at nakakahiya na sa dinami-rami ng taong dumadaan dito ay natatandaan ako nito samantalang hindi ko siya matandaan sa iilang mga pulubing nakikita ko.

"Opo." Sagot ko sa parehong tanong. "Pero bakit nandito ulit kayo?"

"Hindi naaprubahan na mamalagi ako roon kasi raw e me pamilya pa akong pwedeng tuluyan."

Divine DramedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon