"Cory, shot pa!" sigaw ng hindi ko kakilala, pero kaibigan 'to ni Danny.
Inabot sa akin ang shot glass at mabilis kong ininom ang vodka na siyang mabilis na gumuhit sa lalamunan ko.
"Wait! Nasa'n 'yong coke?" tanong ko para sa chaser ko. "Hawak-hawak ko lang 'yon kanina, e. Nasa'n na ba si Danny?"
"He went to the restroom," sabi ni Lukas. Alam ko siya ang nagsalita dahil sa accent nito. "You can have this water for now."
Kinuha ko ang inabot niyan tubig sa akin at ininom ko lahat 'yon saka ako napanatag dahil hindi ko talaga gusto ang lasa ng vodka. Feeling ko mamumula ako pagkatapos nitong gabing ito. Nang may nag-suggest pa na mag-shot ako ay tumanggi na ako. Naramdaman ko naman na may humawak na sa balikat ko at hinigit ako palayo sa mga tao ro'n. Napaka-wild nila.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Lukas sa akin. Tumango naman ako kahit na naniningkit na ang pagtingin ko sa kanya. "I think you should stop drinking now. You've had enough. Where's Danny anyway?"
"I would like to ask you a question, Lukas," aniko.
"Hmm? Sure?"
"What's with you and my best friend? I've heard a lot of good things about you. . ."
Napangisi naman ito. "Danny and I are just good friends."
"Really? Where did you guys meet ba?"
"Here. In this bar," he answered. "I'm quite nervous about the things he talked with you about me."
I giggled. "Don't worry, he wasn't telling me enough, but you're the only one he kept mentioning to me. I felt like both of you had a secret relationship and no one had to know even myself. Are you guys sleeping with each other?"
"Girl! Ang bibig mo, ang dumi," rinig kong sabi ni Danny. "Kanina ko pa kayo hinahanap. Nandito lang pala kayong dalawa."
"I'm sorry. I had to pull her away from the crowd. She's already drunk."
"Uy, sinong lasing? Walang lasing dito, 'no?" aniko. "Give me a glass of rhum coke pa."
"You're not getting a drink, girl," ani Danny. "Mukhang mali na dinala kita rito. Ako na naman malalagot sa boyfriend mo, e."
"Sa condo mo naman ako tutuloy, 'di ba?" aniko.
"Ay, wala tayong napag-usapan na ganyan," ani Danny. "Ang usapan lang natin, hindi mo sasabihin sa boyfriend mo. Ngayon lagot ka."
"Mas lagot ka. Hinayaan mo akong uminom, e."
"I think I should get some juice for both of you," Lukas said. "I'll be back. . ."
Umalis si Lukas sa table namin at pinagsabihan naman ako ng kaibigan ko. Kung ano-anong sinabi ni Danny sa akin, pero hindi ko na rin naintindihan. Nang bumalik si Lukas ay may dala siyang pineapple juice sa amin. Sobrang lamig ng baso dahil sa laki ng yelo, pero ang sarap sa lalamunan nang humagod ito nang inumin ko.
BINABASA MO ANG
Lovesick Wonders (A Palawan Prequel)
RomantizmHe was her wonder and all she could ever ask for, but Cory didn't realize what was at stake in loving someone whose passion was beyond loving her. *** College students Cory Dimaranan and Derek Ignacio found love with each other and grew stronger ove...