Text 02
----------
August 15, 2012
----------
Mahigit isang buwan na ang nakalipas buhat ng pumasok muli si Kathryn sa paaralan. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin nababanggit sa amin kung bakit hindi siya pumasok ng ilang araw.
Siyempre, hindi naman ako naniniwala na tinamad siya kaya hindi siya pumasok. Sinong maniniwala doon? Eh palagay ko nga, siya ang pinakamasipag sa aming magkakabarkada. Kung ano mang rason meron siya, siguro hindi niya pa kayang sabihin sa amin.
“Himala ata at ang aga mong pumasok ngayon, Daniel? Anong nakain mo?” tanong ni mama na nakataas pa ang kilay sa akin.
“Luto niyo po, mama,” sagot ko naman.
Bigla akong piningot ni mama sa tenga. “Aba’t namimilosopo ka pang bata ka hah.”
“Sorry na ma. Joke lang yun,” biglang bawi ko at ngiti sa kanya ng nakakaloko.
Binitawan naman niya ang namumula kong tenga. Ang brutal talaga niya. Halos matanggal na ang tenga ko dahil sa pingot niya. Hinimas ko ang tenga ko at napatingin sa orasan. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
Tumayo ako agad-agad at ininom ang orange juice na nakahain sa mesa. Kinuha ko ang baunan ko at inilagay sa bag. Pumunta kay mama at binigyan siya ng malutong na halik sa pisngi. Nagpaalam na ko at halos madapa sa kakatakbo palabas.
“Diyos kong bata ka! Hindi ka malelate! Ang aga mo nga eh,” sigaw niya sa akin.
Hindi ko na siya nilingon at dali-dali na kong umangkas sa bike ko. Kumaripas ako papuntang paaralan at ilang minuto akong nasa daan ng matanaw ko ang isang pamilyar na babae.
“Kath!” bulyaw ko sa kanya.
Lumingon naman si Kathryn at ngumiti ng makita ako.
Grabe. Kumpleto na ang araw ko ng makita ko siya.
Huminto ako sa harap niya at sinabing, “Sakay na!”
BINABASA MO ANG
Texts from My Future Self (Fantasy #2)
Ficção AdolescenteIsang araw, nakatanggap si Daniel Padilla ng text galing sa kaniyang sarili pagkatapos ng walang taon. Lahat ng sinasabi sa text ay nagkakatotoo, kabilang na doon ang transferee student na si Kathryn Bernardo. Sabi sa text, pagkatapos ng walong taon...