Chapter 4

50.9K 1.5K 184
                                    

[Louise]

Tulala ako habang umiinom ulit ng alak. Nahihilo pa ako pero nasa tamang huwisyo pa naman ako. Nakaupo kami ni Yen dito sa sofa sa salas habang hinihintay sina Rica at ang iba pang barkada namin. Letse, aayain ko silang uminom. Si Yen, shuma-shot ng pa-kaunti-kaunti. Nakabili na ulit kami ng limang bote sa baba kasi naubos na 'yung dalawang boteng nauna kong bilhin. Ang tagal ko kasing malasing. Gusto kong mamanhid na ang puso ko para 'di ko na maramdaman 'yung sakit.

"Ano, Louise? Kalmado ka na?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Paano akong hindi ka-kalma? Ang tindi-tndi na ng pagwawala ko kanina na may pagulung-gulong pa sa sahig tapos napaka-comforting ng mga sinasabi ni Yen kanina. Kapag talaga may kaibigan kang isa ring may saltik eh.

"M-masakit pa din.." Nagsisimula na namang tumulo ang luha ko.

Hindi ko kasi matanggap na ako? Ako, na-reject. No boyfriend since birth na nga ako tapos kung mutual sana ang feelings namin ni Brent, e'di sana siya ang first ever boyfriend ko. Tapos..tapos..hindi pala. May forever nga. Forever single.

"Mas masakit sa mata ang mukha ni Brent."

Lalo kong sinamaan ng tingin si Yen "Kino-comfort mo ba talaga ako? Kanina ka pa." Pagsusungit ko.

"Duh! I'm just trying to crack a joke. Hindi naman kasi siya deserving na iyakan ng isang babaeng tulad mo. Look, na-try mo na abng titian ang mukha mo sa salamin ahbang ini-imagine ang itsura ni Brent? Like OMG, ang layo, kumbaga ikaw langit..siya mukhang lupa."

Naningkit ang mata ko. "Yen." I said in my warning tone. Kanina pa nito nilalait si Brent.

"What?" natatawang tanong niya. Ang ha-hard kay Brent. Crush na crush ko kaya 'yun.

"Narito ka ba para i-comfort ako o laiitin lang si Brent kasi masakit sa'kin na sinasabihan niyo siya ng masama.." sabi ko. Tumutulo na naman ang luha ko.

"Ano ka ba naman, friend. Siyempre kino-comfort kita. Iyon ang bagong way ng pag-comfort para ma-realize mo ang worth mo. Na dapat hindi mo iniiyakan ang mga taong nagre-reject sa'yo. Saka kung nasasaktan ka man sa sinasabi ko about kay Brent, eh..wala, truth hurts."

Bwisit na babae talaga 'to. Kaibigan ko ba talaga 'to? Psh. "Ewan ko sa'yo." Umirap ako saka muling uminom ng alak. Bahala na siya d'yan. Ayoko ng making sa words of panlalait ni Yen.

"Basta, Louise, makaka-move-on ka din. Kalimutan mo na si Brent. Marami talagang iba d'yan." Sabi ni Yen.

Hindi na ako sumagot. Wala naman kasi akong masabi. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, ayaw ng mag-react ang puso ko.

Bumukas ang pinto. Pumasok sina Rica, Berry at Grace.

"Uy, inuman!" sabi ni Grace na agad lumapit sa'min dito sa sofa at naupo.

"Anong meron? Bakit magang-maga 'yang mata mo, Louise?" Tanong ni Rica. Napansin niya kaagad.

"Oo nga girl. Ang pula pa ng mata mo. What happened?" tanong ni Berry.

"Oo nga. Para ngang ang dami mo ng nainom." Sabi naman ni Grace.

"Hay naku!" katangi-tanging react ni Yen.

Nakatingin lang ako kay Rica na parang paiyak na naman ako.

Si Berry ay naupo na dito sa sahig sa salas habang si Rica ay ipinapatong ang mga grocery bags na siguro'y pinamili nila sa mesa sa kusina na katabi lang nitong salas.

"Don't tell me.." mukhang na-gets na ni Rica kung bakit ako umiiyak at umiinom. Alam naman niyang magko-confess ako kay Brent eh.

"Anong hindi namin alam?" parang curious na tanong ni Grace.

The SubstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon