Nang makarating kami sa Studio Base ay nagsisimula na rin ang pila ng mga tao ngayong gabi sa labas, I'm not sure if they know that some of the members of UpHolstery will be here tonight pero mukhang surprised siya kase kung alam at ina-announce nila, malamang mas maraming tao ang nag-aantay sa labas.
After namin mag-park ay pumasok na rin kami, I just showed my ID kaya 'di na namin need pumila pero nagbayad pa rin si Hazael para sa ticket niya.
"Hindi ko kayang hindi," was his answer when I watched him pay the ticket kaya ngumiti na lang ako.
When we got inside I already saw Kaelen, when he spotted me he embraced me immediately.
"Hazael?" nanlaki mata niya habang nakatitig sa kasama ko.
Nag ingay silang dalawa ng ma-realize ni Kaelan na siya nga 'yung kasama ako.
"GAGI ANG POGI MO, AH!"
Nagtawanan sila sa sinabi ni Kaelen habang ako naman nagtanggal na ng hoodie at sinuot ng maayos ang ID ko, I started to peek some of the checklist needed to check before we open tonight.
"Buti nandito ka?"
"Oo, 'yung ibang boys kasi naisipan na mang-surprise tonight, papunta na rin si Peverelle, nako matutuwa si Madrous kapag nakita ka, lagay na ba kita sa mga kakanta?" nagtawanan kami sa sinabi niya and I looked at Hazael.
"Sabi sa 'yo, eh." he said, making me shake my head.
"Oo ilagay mo 'yan, matagal ng 'di kumakanta 'yan, pasampolan natin," Kaelen cheered and nodded.
Agad niyang inayos lahat ng naka-toka sa kanya habang ako iniwan si Hazael sa kanya since ayaw rin niya pakawalan,
Pumunta na ulit ako sa second floor to do what I need to do, after no'n ay chineck ko lang din ang mga instruments na nasa stage para siguraduhin na walang may damage sa kanila and free na magagamit ng mga artists if they need to for tonight.
We only have two artists invited tonight and then after no'n jamming na ang mga tao kasama ang UpHolstery pero wala sa listahan ng mga magpe-perform or a-attend ngayong gabi ang mga members na pupunta ngayon.
Hindi ko tuloy alam kung kumpleto na ba silang pupunta or ilan lang, 'di rin kasi sure si kuya Erreo kanina, 'di ko nga rin alam agad na pupunta pala sila.
"'Di ka ba nagugutom? Kain ka muna." agad na sabi ni Hazael kabalik ko kung nasaan siya nakatambay.
I sighed and took the seat beside him.
"Kakanta ka ba?" he nodded and then took a bite of the macaroni he ate.
"Gusto mo?"
"Kung bet mo okay lang, or kung pwede intayin mo na lang si Madrous tapos mag-duet kayo," natawa pa ako ng mahina sa naisip ko.
"Not a bad idea," tumango-tango siya at parang pinag-iisipan nga niya.
Tinitigan ko siya at nanliit ang mga mata ko, there's something in him that I can feel ever since this morning but couldn't determine what.
Nakamasid siya sa lugar pero nung maramdaman niya yatang nakatitig ako sa kanya at tumitig rin siya sa akin, he's forehead furrowed and he continued to chew, "What?"
"May nililigawan ka na ba?"
He stopped chewing as he continued to stare at me and the bigla siyang nabilaukan, he tapped his chest multiple times pero nakatitig lang ako sa kanya and handed him a glass of water calmly.
Totoo nga?
"ITHIEL!" pinanlakihan niya ako ng mata pero 'di ko siya sinagot.
"Bwisit!" He cleared his throat and took a deep breath before side-eyeing me.
YOU ARE READING
KOI NO YOKAN
Teen Fiction"Whoever belongs to God hears what God says. The reason you do not hear is that you do not belong to God."