Alas dose ng tanghali.
Tahimik ang buong paligid... tanging ang ugong lang ng lumang bentilador sa kisame ang nag sisilbing ingay sa kabuuan ng silid. It was the usual boring afternoon except the guy beside me kept giggling as if something is so funny that he couldn't contain himself anymore.
I didn't have the heart to ask him what's so funny and make him stop so I just stayed silent like how I usually would.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa binabasa kong libro. Pero habang nag uusap sila ay hindi naman sa sinasadya kong makinig pero sa sobrang lapit kasi ng upuan namin ay halos parang kasama na 'rin ako sa pinag uusapan nila.
Tipikal na usaping walang ka-kwenta kwenta lang naman ang pinag uusapan nila pero kapwa sila tawa nang tawa. Ano naman kayang nakakatawa sa prof naming kalbo? E ano naman ngayon kung kalbo siya?
I can't help but take a glance at them. The guy beside me was wearing his uniform a bit disheveled and untidy. It's as though he just woke up and went straight to school. And just like his clothes, his long hair were the same.
Our classroom is not air-conditioned that's why all the window was left open for ventilation. But as I look at him I realized that God might have really took his time in creating him. Kahit ang init ay hindi kayang apulahin ang magandang kutis ng kaniyang balat. Na ultimo ang ihip hangin ay umaayon 'rin sa kung paano dapat ito lalapat sa hibla ng kaniyang buhok.
Sa bawat pag lagpas ng hangin sa kaniyang banda ay dinadala nito ang iilang hibla ng kaniyang maitim at mahabang buhok na hindi lalagpas sa kaniyng balikat, sakto lang at mas lalong nadedepina ang matangos niyang ilong at ang matambok niyang mga labi.
Hindi ko na namalayan na tinititigan ko na pala siya hanggang sa lumingon ito sa gawi ko.
Sa pagtatagpo ng aming mga tingin, imbis na gulat ay pagkamangha ang nakita ko sa kaniyang mga matang kasing kulay ng matamis na tsokolate na sa tuwing tatamaan ng sinag ng araw ay kumikislap na parang mga bituwin.
It took me 10 minutes to study his face but it only took him a look in my eyes to make me fall in love with him.
"Miss Morales."
Napa balik ako sa ulirat nang marinig kong muli ang isang pamilyar na boses. Sa gulat ay napa ayos ako ng upo habang diretso ang tingin sa harapan kung nasaan ang aming propesor.
"Ayos ka lang ba hija? Kailangan mo bang bumaba sa infirmary?" seryosong tanong nito sa akin.
Umiling lang ako, "Hindi po sir, pasensya na po,"
"Okay. If that's the case then let's proceed with the assignment of class representative for this subject..."
Our class ended at exactly 7:30. Wala naman na akong iba pang gagawin kaya umalis na agad ako. Sakto naman may tumigil na elevator nang maka labas ako ng classroom kaya mas naging madali ang pag alis ko sa building.
YOU ARE READING
It's okay, it's you
Подростковая литература"Let me at least show you... that I can love you properly this time." Elysien was never selfish. She will offer whatever she can, even the things she don't have for the people she holds dear in heart. But life isn't always as forgiving. At every mo...