Chapter 11

436 21 7
                                    


Andrius

Nakapagbihis na ako‚ hinihintay na lang ang chat nila. Gusto ko kasi mauna sila makarating doon para hindi ako naghihintay. I hate waiting.

Bumaba muna ako para pumunta sa kitchen at uminom ng tubig. Pagpasok ko ng kitchen nandoon si daddy at mommy kumakain‚ tahimik lang sila.

Mom looked at me‚ ngumiti ako ng tipid pero umiwas lang siya ng tingin.

“Saan ka na naman pupunta‚ Andrius? Mukhang gabi-gabi ka wala kapag wala kami ng mommy mo” Nagsalita si daddy. Kung gaano kaseryoso ang mukha niya ay ganoon din kaseryoso ang boses niya.

Kumuha muna ako ng tubig at ininom iyon bago nagsalita.

“Nagkayayaan lang po mag bar‚ sobrang stress kasi last week sa school and I think we deserve to have some fun.” Magalang pero walang emosyong sambit ko.

Doon na umangat at tingin ni daddy sakin‚ tumaas ang kilay niya at tumawa ng sarcastic. Napabuntong hininga ako.

“Gusto niyo pala ng pahinga‚ bakit sa bar pa? Sino ba pinagloloko mo Andrius? Hindi ako pinanganak kahapon” Lihim akong napangiwi dahil sa narinig.

“Uuwi rin po ako ng maaga” Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Narinig ko na naman siyang tumawa kaya tumingin ako sa kaniya.

“Maaga o umaga?” Nakangisi siya pero bakas sa mukha ng tatay ko na hindi niya gusto ang usapan namin.

“Maaga po‚ I’ll just have a few drinks. I can handle myself.” Sagot ko sa kaniya. Tumango-tango siya.

“Mukha ngang kaya mo na ang sarili mo‚ sinusuway mo na nga kami.” Napatingin ako sa kaniya dahil doon. Pabagsak kong ibinaba ang baso sa table ng kitchen.

“Dad please‚ hindi ko kayo sinusuway. Gusto ko lang magsaya‚ hindi ko naman makuha iyon sa bahay na ‘to” Mariing sambit ko. Galit siyang tumingin sakin‚ hinampas niya ang mesa dahilan para maglikha iyon ng ingay.

“Ganiyan ba ang natututunan mo sa eskwelahan na yan at sa mga kaibigan mo!? Wala kang respeto!” Nakatayong sigaw niya habang nakaturo sakin. Tinignan ko si mami pero patuloy lang siya na kumakain.

Napangisi ako at malakas na bumuntong hininga.

“Wala pong kinalaman ang school at mga kaibigan ko sa ugaling pinapakita ko ngayon sa inyo.” Seryosong usal ko‚ natawa nang mahina si daddy.

“Masyado kang bastos! Hindi ko gusto ang tono ng pananalita mo!” Galit na sigaw niya ulit sakin. Tinignan ko siya sa mata at ipinakita ang galit ko.

“Bakit hindi niyo na lang po ako deretsahin? Bakit hindi niyo na lang po sabihin na ayaw niyo sakin? Na sana ako na lang yong nawala?” Galit na sambit ko‚ malakas na sampal ang nakuha ko kay mami na hindi ko namalayan na nakatayo na pala.

Gulat akong napatingin sa kaniya. Galit na galit ang mga mata niya. Hindi ko magawang matakot dahil mas lamang ang sakit at gulat sakin.

“You made me like this. Naging ganito ako dahil walang araw na hindi niyo pinaramdam sakin na ayaw niyo sakin.” Mariing sambit ko‚ kunti na lang ay babagsak na ang luha sa mata ko. Mabilis akong umiling.

Magsasalita pa sana si mommy nang lagpasan ko siya. Walang lingon na umalis ako sa bahay. Naririnig ko pa ang sigaw na daddy pero hindi ko man lang siya nilingon.

Nakita ko si nanay mirna na nakatingin sakin pero ngumiti lang ako sa kaniya.

Nakarating ako sa bar‚ dere-deretso akong umupo nang makarating kung nasaan sila. Hindi ko sila binati at basta na lang kumuha ng beee at ininom iyon.

Under HimWhere stories live. Discover now