Content warning: abuse. Read at your discretion.
Kabanata XXIII
Hindi unang beses akong mabugbog-sarado ni Papa at dahil doon, hindi ako makapasok sa klase nang matagal.
He or his secretary would just write to the principal to excuse me for an indefinite time. Ang laging rason ay umiikot lang sa dalawa; may sakit daw akong kailangan ng matagalang panggagamot o may mahalagang trabaho si Papa sa malayo at kailangan niya 'kong isama.
Ang katunayan lang talaga ay nagpapagaling ako mula sa mga natamo kong sugat, pasa, o bali... Hindi kayang hilumin ng ilang araw o kahit ilang linggo ang mga iyon.
Tatlong buwan ang pinakamatagal upang mawala lahat ng bakas at bumalik ako sa normal kong itsura na parang walang nangyari. At walang maghihinala kay Papa sa labas ng aming lupain, kahit kailan.
Since my father is known to the whole Amora province, I was always allowed not to go to school for months. Papa would even donate money to the school as a form of subtle bribery.
Ipinapadala na lang ang ilang gawain at proyekto na kailangan kong gawin para hindi bumaba ang mga grado ko.
As I stare at my reflection in the mirror after a week, I still couldn't recognize myself. Maliban sa namamaga at namamanas ang buo kong mukha at punong-puno pa ng mga sugat at pasa, may malaking bukol pa rin ako sa may noo at maliit sa may sentido.
May parte rin sa bumbunan ko ang nagsugat at tila mapapanot—wala pang tumutubong buhok ulit doon. At sa bandang kaliwang bahagi naman ng ulo, bandang likod, ay may isa pa ulit na malaking bukol kaya't tila nakaumbok ang buhok ko roon...
Tumulo ang isang patak ng luha ko.
Matagal pang maghihilom ang lahat ng 'to. Bawal akong lumabas, kahit sa paligid lang ng sariling naming lupain.
I wouldn't get to see my friend, Sylvan, for a long time. I know he'll be worried.
But for sure, right at this moment, my father already sent an excuse letter to the college dean. And the maids were probably ordered to tell everyone that I'm sick or I'm away with Papa for business matters... Nakarating na siguro hanggang sa mga tauhan ng Lemuel farm ang mga palusot na iyon kaya't hindi muna nila ako makikita...
Hindi ko rin muna makikita si... Alvaro. May kasambahay na nagsabi sa 'king tumawag siya kahapon, pero mahigpit ang utos ni Papa na hindi rin ako maaaring tumanggap ng tawag.
Nandito lang ako sa sarili kong kuwarto buong araw at gabi, mag-isa... Na naman.
Malungkot... na naman...
Titiisin ang pisikal na hapdi kasabay ng kirot at sakit sa buong kalooban ko... Na naman.
Hihiling, mananalangin, aasang magiging maayos din ang lahat... Na naman.
Inilayo ko na ang tingin ko sa salamin. Bumalik ako sa ibabaw ng kama, at kumuha ng libro. Magbabasa ako para tumakas sandali sa pait ng sitwasyon ko... Na naman.
Ngayon na lang ulit ako nabugbog ng ganito kalupit ng sarili kong ama. Hindi na bago sa 'kin, pero parang nagulat ulit ang katawan ko dahil ang tagal ko ring hindi nakaranas ng ganito at akala ko... Akala ko, hindi na ulit ako makakaranas ng ganito...
Masyado akong naging kampante, kahit na alam ko namang nagpigil lang nang matagal si Papa dahil binibigyan niya 'ko ng tsansang "magawa" ko na ang sa una pa lang ay inuutos niya na.
Si Sylvan... I was spared for a long-time because of him. Papa made sure I look always fine as I spend more and more time with the man I learned to love like a brother.
BINABASA MO ANG
Kiss Me One Last (Lemuel Bros. #2)
General FictionWas it love or obsession? Nakipagtanan at nagpakasal sa ibang lalaki si Tia. Although they hurt and left their own families and friends, Tia could not regret choosing and loving Alvaro Ignacio Lemuel over his brother, Sylvan. Tia is finally living...