Chapter 12

683 31 9
                                    


Andrius

This is so frustrating. Wala ako sa hulog ngayon sa practice. Ilang beses na akong napagalitan ni coach dahil lutang daw ako.

“Zamora‚ Anong nangyayare sayo? Kanina ka pa lutang. Kung hindi ka natatamaan ng bola sa ulo‚ hindi mo naman nasasalo ang bola na pinapasa sayo.” Galit na sambit ni coach. Nag break muna para magpahinga ng ilang minuto.

Napabuntong hininga ako. Napasabunot sa ulo. Naiirita ako dahil  wala pa akong maayos na laro simula kanina.

Napatingin ako sa tumapik sakin‚ si Zed iyon.

“What’s happening to you? Mukha kang wala sa mood para maglaro” Nag-aalala ang tono niya. Lumapit na rin samin si Reux.

Napailing ako dahil sa narinig. Hindi ko alam bakit nagkakaganito ako ngayon.

“Magpakitang gilas ka naman diyan hoy! Nanonood yong girls at mga admirer mo. Nandito nga rin sila Cassian oh” Itinuro ni Reux kung nasaan ang mga kaibigan namin. Kasama nila yong tatlong lalaki.

Napaiwas ako ng tingin nang magtama ang paningin namin ni Cassian. Nakakunot ang noo niya. Napabuntong hininga na lang ako.

“Pahinga muna ako isang game‚ sabihin niyo kay coach.” Paalam ko sa kanila at umupo sa bleacher.

Napatingin sakin si coach dahil panigurado sinabi na sa kaniya na magpapahinga muna ako isang laro. Napailing siya habang nakatingin sakin. Dismayado ang mukha.

Nagsimula ulit sila mag practice habang ako ay nanonood lang.

Napatingin ako sa tabi ko ng may umupo. Ngumiti sakin ang girls‚ kumaway si Yuen at Zaven‚ habang si Cassian naman ay nakatingin sakin ng mariin.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at nanood na lang sa mga teammates kong naglalaro.

“Ayos ka lang ba‚ Andi?” Rinig kong tanong ni Bianca.

“Oo‚ medyo wala lang sa mood” Natatawang sagot ko.

“May dala kaming tubig para sa inyo‚ inom ka muna” Inabot niya sakin ang isang mineral bottle water. Kinuha ko iyon at basta na lang ininom.

Basang-basa na rin naman ang damit ko dahil sa pawis. Dumadagdag pa ang init ng panahon. Napatingin ako sa tubig na nasa kamay ko at walang sabing binuhos iyon sa ulo.

Alam kong nagulat ang mga kasama ko dahil sa ginawa ko. Hindi ko sila nilingon.

Pabuntong hininga akong tumayo at hinubad ang damit ko. May mga nanonood‚ karamihan ay mga babae. May sumigaw pa dahil sa ginawa ko. Nakakarindi sila.

Basta ko na lang tinapon ang damit kong basa sa bleacher. Hindi ko alam bakit wala ako sa mood ngayong araw.

“Tanginang pasikat yan” Dinig kong usal ni Kiet. Tinawanan ko lang siya.

“Hindi porket maganda katawan mo gaganiyan ka na‚ sakit sa mata gago” Natatawang sambit ni Laveign. Nginisihan ko lang siya. Wala akong sa mood para patulan Pang-aasar nila.

“Nag g-gym ka?” Napatingin ako kay Yuen dahil sa tanong niya. Tinignan ko ang katawan ko at tumingin ulit sa kaniya.

“Minsan kapag nasa mood lang” Natatawang sagot ko

“Ganda ng katawan mo‚ halatang alaga masyado. Ang puti mo rin e nuh?” Natatawang usal niya.

“Araw-araw akong naliligo ng zonrox” Biro ko pa. Nagtawanan sila dahil doon. Tinignan ko si Cassian na nakataas ang kilay habang nakatingin sakin. Nginisihan ko siya. Akala mo ikaw lang maganda ang katawan nuh? Ha! Ako rin!

Under HimWhere stories live. Discover now