CHAPTER 18

8 0 0
                                    

Chapter 18

Hindi ko alam kung pangit ba ang paninda namin o masyadong mahal. Pero ilang oras na nagsimula ang event pero bilang na bilang pa rin namin kung ilan ang bumili sa booth namin. Samantalang sa mga katabi naming booths ay halos hindi na magka-ugaga.

Chineck ko ang kahon na lagayan namin ng mga pinagbilhan. Wala pa 'ata sa 500 ang benta namin, wala pa sa kalahati ng ginastos.

Medyo nakakasama ng loob pero wala naman kaming magagawa. Tinuruan kaming huwag mamilit ng costumers. Kami na nga lang ang natatanging booth na may crocheted purchases pero hindi pa rin mabenta. Mas mabenta yung beads na bracelets at keychains.

"What if maglagay tayo ng promo?" tanong ng president namin, si Alesha.

"Free hug!" nangungunang sigaw ni Pat.

"Sino naman?" tanong ko.

Ngumiti siya at tiningnan si Jeffrey.

"Oy, oy, oy! Ayoko!"

"Bilis na! Sayang pag-ggym mo kung hindi mo naman ipapayakap ang biceps mo."

"Ayaw ko, Pat. Kung gusto mo si Raki na lang! Batak naman 'yan lumandi. Kahit kandong pa habang nabili papayag 'yan."

Pabirong sinuntok ng kaklase kong si Raki si Jeff dahil sa sinabi nito.

"O kaya sumayaw ka na lang sa harap, Patricia. Ikaw naman may gusto."

"Kung sana maraming sasayaw kasama ko. Kaso wala, mukha lang akong uod sa harap kung ako lang mag-isa."

"Samahan mo, Reign!"

Napalingon ako kay Raki at mabilis na umiling. "Ulol ayaw ko!"

Nag-brain storming pa kami nang ilang minuto bago magkasundo.

"Okay, final na, ha? Free confession kapag bumili ng items natin. Sponsor na namin ni Val ang papel na gagamitin. I'll ask Sir din if he can provide scratch papers. Basta Raki and Jeff will be our salesman in front, you boys will do the talking. Iyong iba naman, fix the booth and palitan na 'yung pricing ng medyo mababa. Compute niyo rin how much will be our earnings kasi baka lugi tayo. Reign and Patricia will be in charged sa confession area, magsama kayo ng ilang classmates para sa mga pipila," Alesha announced then clapped her hands. "Let's do this! Sayang ang pagod natin at sakit ng kamay if wala tayong kikitain."

Sabay-sabay kaming tumayo at sumigaw pagkatapos ni Alesha magsalita. Mabilis kaming kumilos para sa mga inutos niya. Nagsimulang magsalita sila Jeff at Raki sa harap na agad nakakuha ng atensyon ng karamihan. Kaya mabilis din kaming nanghiram ng extra table and
maliit na kahon para lagyan ng mga sinulat nilang message. Binawasan din ang presyo ng items namin pero sinigurado naming hindi kami malulugi.

And after 3 hours, dagsa ang students na bumibili sa amin. Free confession booths are really nice strategy especially na araw ng mga puso ngayon. Hindi ko alam bakit hindi namin 'to kaagad naisip. At buti na lang ay walang ibang confession booths sa event ngayon kundi kami kaya naman walang problema at walang ka-kompitensya.

"Another letter from our sawing classmates! Sabi niya, "Hello, Jello from STEM 11! You don't have to know my name but I just wanted to tell you that I'm admiring you since elementary. And nakaka-proud ka sa conference last week. You are the definition of a man with beauty and brain. Keep shining, Jello! Rooting for you palagi! Happy Valentine's day!" Clue, it's from HUMSS student."

"Wow naman!" Agad kong sinundan ng reaction ang pagbasa ni Patricia ng letter. "A very sweet and cute message from HUMSS student. Jello, sana all."

Natawa ang ilang estudyante na nakikinig sa amin.

My Lover is a Liar (Lover Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon