BEAU'What a tiring day.' I thought as I stretched my neck.
I'm busy on looking at Martinez's family profiles. Clementine asks me to look for those people that caused her trauma. So far I've only found the doctor who's responsible for her mother's death.
Sighing, I close my laptop since I still have a class to attend to. Lunch time is over and Rodriguez brought me food again kaya dito na ako kumain sa office ko kasabay siya lalo na't sa labas kumain si Delos Santos at Charlotte dahil wala naman si Martinez sa cafeteria para masabayan nila. Si Ruelle naman at Mallory ay wala dito ngayon nasa kompanya ni Ruelle.
"Future wife, I'm done pooping." I slowly close my laptop when I saw Rodriguez walking towards my way with an alcohol on her hand.
I exhaled, controlling myself. "I don't need you to tell me about your bathroom businesses, Rodriguez." I scoffed, rolling my eyes.
"May nabasa kasi ako sa internet, future wife. Sabi dun dapat daw na i-update parati yung mga misis para assured na assured sila." may malawak na ngiti sa labi nitong sagot nito.
"You're not just delusional, you're also credulous."
"Kyaah! I am not." she exclaimed.
"Whatever. Let's go now. Ayaw kong ma-late." sambit ko saka tumayo na sa pagkakaupo at kinuha ang mga gagamitin kong gamit sa klase nila Rodriguez.
Mabilis naman tumalima si Rodriguez at kinuha na ang bag nito saka cellphone na nasa center table.
Habang naglalakad kami sa hallway ay biglang tumigil sa paglalakad si Rodriguez kaya napatingin ako sa kanya at napatigil na rin.
"Future wife, I forgot my book in your office, mauna ka na hehe." nakangiwing wika nito saka nag-peace sign. "Huwag mo akong i-mark absent ah." dagdag niya pa.
I let out a deep breath before nodding my head. "Give me your things, I'll give 5 minutes." I firmly said.
Mabilis nitong ibinigay sa akin ang gamit niya saka siya tumakbo paalis. Muli na akong naglakad at saktong pagkarating ko sa aking classroom ay naabutan ko si Charlotte na hinahatid si Delos Santos.
"Ate Cleofel." bati ni Charlotte saka ako binigyan ng halik sa pisngi.
"Good afternoon po, Prof Griffin." bati naman ni Delos Santos at bahagyang nakayuko pa.
Tinanguan ko lamang siya saka inabot sa kanya ang bag ni Rodriguez. "Put this on her table." wika ko. Nagtataka man ay kinuha niya parin ito sa aking kamay saka marahan na tumango.
"I'll see you later, Charlotte." paalam ko kay Charlotte at hinalikan muna ang pisngi nito bago ako pumasok sa loob ng classroom kung saan ako magkaklase kina Rodriguez.
"Good afternoon." walang ganang bati ko sa mga studyante saka inilagay ang mga gamit ko sa table.
Sometimes I think on quitting from teaching kaso naman ay kailangan ko rin bantayan si Clementine dito kaya wala akong choice kundi ang magturo dahil mab-bored lang din naman ako sa opisina ko dito kapag wala akong ginagawa.
Kapag kasi andito ako sa CU ay hindi ko dinadala minsan yung mga reports tungkol sa GGH dahil may mga trabaho rin kasi ako dito na kailangan ayusin lalo na't nililinis namin itong CU dahil mukhang dumadami na ang bully simula nung mapalitan ang dean dito.
"Good afternoon po, Prof Griffin." rinig kong bati ng mga studyante pero hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin.
Ilang saglit pa ay pumasok narin sa loob si Rodriguez— dala-dala nito ang dalawang libro. Bago ito naglakad papunta sa upuan niya ay kinindatan muna ako nito na siyang ikinairap ko at mabilis na tumalikod.
BINABASA MO ANG
First Glance
RomanceI thought I won't be able to move on from her but I was wrong. When she came, The first time I saw her, I don't know what happened but my heart suddenly just stop beating. She... She takes my insanity away.