Chapter 23

30.8K 1.8K 1.7K
                                    

I have instagram: bratmind.wp (gc link for wre readers is on my bio). Let's interact there.

𖡎

Chapter 23

#wrewp

"Ang init," reklamo ni Lorie at umupo sa damo. 

"Nagtaka ka pa na mainit, e demonyo ka," pang-aasar ni Gabe. 

Lorie raised her middle finger. "Pangit." 

"Ako? Pangit?" Hindi makapaniwalang tinuro ng isa ang sarili. "Kapag nagpa-drawing ang instructor natin ng pinakapangit na nilalang, maraming magrereklamo sa 'yo."

Natatawa akong umiling habang pinupunasan ang sariling pawis. 

"At bakit? Ha?!" 

"Malamang nangongodigo ka. Ikaw 'yung pangit, e." Humagalpak si Gabe.  "Eguls sa 'yo suh." 

Pinanood ko ang dalawa na maghabulan na para bang hindi mga pagod dahil sa P.E subject namin. I exhaled a large amount of breath and just stood along with our tired classmates. Kinuha ko ang flask ko at agad tinungga iyon. I was already used to moving and stretching my body so much because of the dance troupe. Pero hindi ko alam kung bakit ngayon ay pagod na pagod ako sa pinagawa sa amin ng P.E instructor! Pakiramdam ko mababali ang katawan ko sa walo! Pambihira. 

"Joke lang, Rie! Aray!" hiyaw ni Gabe nang maabot siya ni Lorie para mahampas. 

Kagaya nila Carlos na nakaupo sa damo, umupo na rin ako. I raised my hands on top of my head to shield my face from the sun. Kung minamalas ka nga naman, okyupado ang gymnasium. Kaya narito kami sa malawak na field nag-P.E. Para kaming mga manok na priniprito. Puwede na nga magluto ng itlog rito, e. Itapat mo lang sa araw. 

"Gusto ko rin 'yan maranasan teh!" bulalas ni Isabelle. 

Bumali ang leeg ko para sulyapan ang mga kaklase. Mga nagkukumpulan sila na tila ba may pinaguusapang importante. Anong meron? 

"'Di ba nak? Ang sarap sa feeling." 

My eyes squinted when Grant stood in front of me. Suot niya ang P.E uniform namin habang may bimpo sa ibabaw ng balikat. Kasalukuyan niyang sinasarado ang itim niyang flask. He licked his lips as he glanced at me. 

"Mainit?" he asked. 

I shifted my eyes elsewhere. "Oo." 

"Kaya kilig na kilig ang ate ko!" dagdag pa ni Isabelle. 

Bakit kinikilig ang ate niya? Wala akong maintindihan. 

Grant shifted his weight which caused me to look at him again. Lumapit siya nang kaunti sa akin at hinarang ang buong katawan niya. Dahil do'n ay napalitan ng anino niya ang sinag ng araw sa mukha ko. "Is it still hot?" 

My brows knotted. "Oo nga. Kulit." 

Bigla siyang umalis sa harapan ko. Pagkabalik niya, may hawak na siyang illustration board. Hindi ko alam kung saan galing. He stood again in front of me. Because of his built and how tall he was, the sun rays wasn't slipping through. I craned my neck as I watched him with confusion. Pero patay malisya lang siya habang ginagamit ang illustration board bilang pamaypay. Tapos paminsan-minsa'y pinapaypayan ang iba naming kaklase, tapos sa akin. Pansin ko rin na kapag sa 'kin na tumatapat ay tumatagal ang hangin no'n.

"Ang sweet naman ng nagkakagusto sa ate mo," anas ng isa naming kaklase.

"Totoo teh! Who would've think?" dagdag pa ni Isabelle.

"Thought 'yon nak," si Rhue. 

"Whatever! Basta kinikilig ako!" 

Humahangos na lumapit sila Gabe at Lorie. Nakapalibot ang braso ng babae sa kawawang si Gabe, hindi makawala. Nagpatay malisya ako nang senyasan niya akong tulungan siya. Ayoko nga. Bahala kayo riyan. 

Where Rainbow EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon