Chapter 1❤Meet the Ladies

87 5 0
                                    

Devon's PoV

Arrrgh!!! Kainis umagang umaga nambubulabog na agad si Jessica.

“Hu! Gising na. Dali na malalate na tayo 5:00 am na 7:00 am pasok natin. Dali na, hoy!!”-Jessica

“5 mins. pa tss... akala mo naman sa Baguio ang school natin. Eh pwede ngang lakarin yun ng 20 minutes eh!?”-ako

“HINDI KA BA TALAGA GIGISING!” oh-ow pag sumigaw na sya ng ganyan galit na talaga yan pero mas lalo kang matakot kung sasabihin nya na ang buong pangalan mo.

“DEVON JADE EVANS!” ayan na nga ba sinasabi ko eh. Paktay!!! galit na talaga sya.

“Ah, sabi ko nga maliligo na ako... hehe, peace na tayo.” sabi ko habang naka peace sign, paano ba naan kasi hindi ka matatakot eh may hawak na syang gunting ngayon. Waaah!!! Ngayon gising na gising na ako.

Ay oo nga pala. I want to introduce myself. I'm Devon Jade Evans but you can call me “Dev”. I'm 16 y/o. My family owns a Resort and a RestoBar in South Korea and Canada. 4th year na nga pala kami ngayon ng mga bestfriends ko, incase you didn't know were living in one house, yung malapit sa school and our parents agreed about that para rin maging independent kami, meron naman silang pinapadala for us, sila na din yung nagbabayad ng lahat ng gastos dito sa bahay at meron din kaming maid dito sa bahay, sya yung nagluluto for us and whatsoever, pero umuuwi sya kapag vacation namin sa school. Transferee lang kami ngayon 4th year, kasi eto lang yung malapit dito sa bahay eh yung dati naming school malayo sa bahay namin ngayon. Sayang marami pa naman kaming friends dun sa dati naming school, namiss ko na nga sila eh.

“Pag hindi ka pa nakababa sa kitchen with in 20 mins. lagot ka sakin!!” tss... nandyan pa pala si Jessica next time na nga lang ako magmomonologue.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jessica's PoV

“Ang bagal talaga kumilos ng babaeng yun.” sabi ko kay Cloe.

“Oo nga eh 5:30 am na kaya. Tsk!”-Cloe

“Haaay...”

Napabuntong hininga na lang ako. Tss... hindi dapat pinaghihintay ang mga magaganda eh! I'm wearing my crop top, alam nyo yung parang t-shirt pero half lang (kaya nga crop eh) basta kapag sinuot mo kita pusod ganun. White crop top partnered with navy blue high wasted jeans (ayoko naman magpakita ng pusod noh! Kasi ang magaganda conservative) alam nyo naman siguro yung high wasted noh, basta jeans na hanggang bewang (kaya nga waste eh) tapos hot pink na killer heels 5 inch. Make-up? Hot pink din na lipstick you know para partner sa shoes. Hehe tapos blooming peach blush-on yun lang, hair wala simpleng lugay lang with my long curly hair. Messy look ang peg. Well ganon talaga ang maganda hindi na kailangan mag ayos ng todo. Hahahaha (^___^)

By the way!
I'm Jessica Emmanuel Serfaty you can call me “Jess” or “Jessi” bahala na kayo. 16 y/o. Uhmmm... ng business ng aming pamilya owns a Mall sa states especially sa New York and Washington. Ganun talaga ang magaganda sikat. Bwahahaha. Connect? Hanapin nyo!!!

“Jessicaaaaa!!!”-Cloe

“Ay maganda!” tss... nakakagulat naman tong babaeng toh.

“Hahaha! I know right.” sabi ni Cloe habang taas baba pa ang kilay.

“Kumain na tayo.” haaay... nahahagard ang beauty ko nito.

“Tss... kanina pa kumaen, haay maganda nga bingi naman.”-Devon

“Atleast maganda eh, ikaw maganda ka ba.” sabi ko kay Dev.

“Hindi! Hindi!” sarcastic nyang sabi sakin. Hahaha! Pikon!

“Girl! I'm glad you know it hahaha.” sarcastic ko din sabi sa kanya kala nya mwahehehe. Thats what friend are for.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Cloe's PoV

Haaay! Nako nagaaway na naman tong dalawang toh, mabuti pang kumaen nalang kami. Tss...

Oh! I'm Cloe Jane Sandoval. You can call me “Cloe” or “CJ”. I'm 16 y/o. Ang family business namin ay Airline. Yes! Pinakasikat na airline sa Pilipinas, pare-pareho kami ng bestfriends ko na kilala ang family dahil sa business di lang dito sa Philippines pati na rin sa ibang bansa. Ok na yan atleast napakilala ko yung sarili ko masyado kasing mahaba yung pinagsasabi ng mga kaibigan ko!!!

Anong oras na ba? Tinigan ko yung wall clock sa may dining area. O to the M to the G!!!

“Girls! I think we have to ho. Anong oras na oh, 6:00 am na ayoko ngang malate, first day of class to noh.” sabi ko kay Jess at Dev.

“OA mo 7:00 ang first class natin koh?”-Dev

“Bahala kayo mauna na ako.” sabi ko sa kanilang dalawa at umalis na.

“Bye!” tss... kahit kailan talaga yung dalawang yun.

------
[a/n: Devon's pic. in media. Happy reading ☺]

People Fall In Love In Mysterious WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon