1st

37 2 0
                                    


CHAPTER 1

"P-p-princess...s-save your self...a-and always take care...o-o-of yourself..."

Hinang-hina at hindi na makakilos ang batang lalaki na puno ng dugo sa buong katawan sa dami ng sugat nito at ilang buto na rin nito sa katawan ang nabali habang nakaunan sa hita ng isang batang babae na nanghihina na rin at walang tigil sa pag-iyak.

"No, Prince...hindi kita iiwan dito sa forest, if I have to force my powers to come out to teleport us back to the university ay gagawin ko..."

"No! B-because of that ring...y-your flairs are depleting...i-i-if you consume your remaining flairs you might die..."

"B-but, I can't let you die here..."

"J-j-just go...b-baka maabutan pa nila tayo...a-always remember that I love you, my princess...t-t-take...c-care..." Then the boy slowly closed his eyes that made the girl panic.

"No!" The girl force herself to use her remaining powers to teleport them back the university.

Nagawa naman niya pero unti-unting nawawalan siya ng lakas at nagdidilim ang paningin niya but before she totally lost consciousness ay hinalikan niya sa labi ang batang lalaki. The girl didn't noticed the bright light that emerged between her and the boy, she immediately lost consciousness after a few seconds of kissing the boy.

*tok*tok*tok*tok*tok*

Doon nagising si Shaina mula sa kanyang panaginip na paulit-ulit na lang, hindi niya alam kung bakit lagi na lang niyang napapanaginipan ang dalawang batang iyon mula noong magising siya sa pagkaka-comatose ng dalawang taon at palagi na lang iyon ang eksena pero hanggang ngayon ay malabo pa rin ang mga mukha ng dalawang bata at mas malabo kung ano ang pinagsasasabi ng mga ito. Anong powers? Ano yung flair? Saka saan yung university na iyon? Parte kaya iyon ng kanyang alaala pero imposible naman na totoo ang lahat ng iyon pero bakit paulit-ulit?

Nang magising siya, 5 years ago ay wala siyang katiting na alaala at maging ang mga magulang niya ay hindi niya nakilala. Kung hindi sa mg litrato noong 3 years old at baby pa siya kasama ang mga ito ay hindi niya papaniwalaan na mga magulang niya ang mga ito pero marami pa ring tanong ang hindi masagot ng mga ito at isa na doon kung anong nangyari sa kanya.

*tok*tok*tok*tok*tok*

"Anak, gising na." Ang mommy pala niya ang kumakatok. "You need to get ready, in two hours ay flight mo na papunta sa YU. Baka ma-late ka at maiwan ka ng eroplano."

"I'm awake." Saka siya dumiretso sa banyo na nasa loob ng kanyang silid.

Oo nga pala. Today will be her departure to her new school, sa Yngrid University. A few weeks ago, she received a letter that says she's being admitted to that university this school year until the following school years from the president slash chairman of the university.

Nagulat siya at syempre nagtaka na maa-admit siya sa university na iyon because that school is the most prestigious university sa buong mundo na para lang sa super matatalino at talented. Hindi nga nagko-conduct ng entrance exam ang YU dahil sila ang nagrerecruit ng mga estudyante base sa standard ng YU, kaya hindi talaga siya makapaniwala nang makatanggap siya ng sulat na nanggaling sa YU na sinasabing nakapasa siya sa standard nito at inaanyayahan siya na doon na mag-aral ngayong paparating na school year.

YU is located at a huge island in the pacific ocean but sabi ng iba ay napakahirap daw nitong i-locate, it was like a phantom island that only shows up from time to time. Dahil nga nasa sa isang isla ito ay doon na rin siya titira simula mamaya, sabi nga niya sa parents niya ay hindi na lang siya tutuloy pero hindi daw pwede dahil siguradong natransfer na ang mga documents niya mula sa dating school sa YU.

Yngrid UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon