May isang guest na nagpapaturo sa akin dahil bago lamang daw siya.
Korean ang guest na tinuturuan ko kaya napa english akong wala sa oras sa kanya. Matangkad matangos ang ilong at namumula ang kanyang pisngi
"What do you want, bet sir? We have 28 bet and 38 pesos bet sir." Agad naman natuto ang guest na ito nagbibiruan pa kami ni sir park lee jun. Oo tama kilala kona agad ang guest na ito e paano ang daldal niya.
Tinatanong niya din ako kung may boyfriend naba ako, then i told him na i dont have.
Nakikita ko din sa mga gilid nang mata ko na nakatingin si allen sa amin dalawa ni sir park. At napapansin ko din siya kanina pa siya dumadaan sa likod namin dalawa netong guest ko.
Iniwan kona si sir park at inikot ko muna ang area ko dahil baka masita ako ng mga Slot officer namin na kanina pa ako hindi umiikot sa area ko.
Habang tinitignan ko ang mga makina kung may left credit ba ito, nagulat ako nung bigla nagsalita si allen sa tabi ko.
"Sweet niyo ha, Samantalang ako hindi mo man ako kinakausap" Nagtatampong sabi ni allen sa akin.
"Good service lang" ani ko sa kanya at iniwan siya sa kinakatayuan niya. Agad naman niya ako hinawakan sa kamay ko at bigla nalang ako kinabahan sa ginawa niya na parang ngayon kolang ito naramdaman sa buong buhay ko.
Agad ko itong tinanggal ang kamay ko sa kamay niya. Humarap ako sa kanya at sinabing "Please, don't bother me!" singhal ko sa kanya at iniwan na siya. Hindi na ito sumunod pa kita ko ang pagkalungkot sa mata niya pero hinayaan kolang ito.
Break kona, salamat naman! kumakain akong cheesecake na galing sa mizu coffee katabi lang naman ito ng apartment ko kaya bumili na ako kanina.
Habang nag cecellphone ako may biglang tumabi sa akin.
"Im sorry trif, hindi ko sinadyang hawakan ka sa kamay" Hindi ako kumibo dahil alam kona kung sino ang tumabi sa akin.
Alam ko marami nakatingin sa amin dalawa ni allen, dahil marami naman dito tsismosa at nakikialam.
Hindi pa din ako kumibo kay allen, patuloy lang ako sa pagkain ko. Hindi ko rin ito tinapunan tingin dahil baka masuntok ko lamang siya pag nagkataon na ginawa pa rin niya yung paghawak ng kamay ko.
"Please trif, Gusto kasi kita nagseselos ako don sa kausap mo" Sabi niya ulit sa akin at parang may kung ano sa tiyan ko na parang butterfly na nagwawala.
At dito na ako tumungin sa kanya pero wala akong emosyon na tumingin sa kanya.
"Gusto?" tanong ko sa kanya at kita ko sa mukha niya ang ang pamumula. Tumango ito habang kinakamot ang ulo niya.
"Kabag lang yan, pre" sagot ko ulit sa kanya at tumayo na ako para mag ayos sarili at umakyat na sa taas.
Pero agad din ito nagsalita, "Alam kong maaga pa para sabihin ko yon. Gusto kita Oo tinuturuan mo ako doon nagsimula ang lahat. Alam kong mali kasi Ginusto kita without ur permission. Pero hayaan mo naman na ipakita ko sa iyo na gusto talaga kita." Sunod sunod niyang sabi pero iniwan ko nalang siya doon.
Wag kang ganyan, Allen.
Baka pati ako mahulog sa iyo.
