MATINIS na iyak ni Stella ang nagpamulat sa akin. She whimpers repeatedly as I heard my mother's turbulence outside.
Dahan dahan akong bumangon sa banig na kinahihigaan namin. Mahimbing pa ang tulog ni Cristina sa tabi ko habang naaalimpungatan na rin si ate sa may kabila n'ya. Sinulyapan ko ang screen ng katabing cellphone.
Mag aala-singko pa lang.
Malakas ang pagkakabagsak ng thermos sa baba. May narinig pa akong mabilis at paulit ulit na pagtama ng kutsara sa tasa.
"Anong oras na ba?" namamaos ang boses ni ate.
Iniharap ko sa kan'ya ang hawak na cellphone. Naningkit ang kan'yang mga mata at paulit ulit itong kinusot.
"4:45 na," tahimik kong saad nang makitang nahihirapan s'yang tignan ito.
Ipinikit n'ya ng mariin ang kan'yang mga mata. Muli s'yang humikab at pagkatapos nito ay muling natulog. Napabuntong hininga ako.
Sa tuwing naaalimpungatan ako, nahihirapan na akong matulog ulit. Ilang minuto na lang rin, magliliwanag na sa labas. Muli kong sinulyapan ang katabi, hinaplos ko ang kanyang ulo.
Kagabi nang makapasok na kami ng bahay, sinilip ko pa si Yousef sa butas ng gawa sa plywood naming pader hanggang sa tumalikod na s'ya at lumiko pabalik ng covered court. Tulog na silang lahat nang maihiga ko si Cristina sa tabi ni ate.
Mag aalas-dose ako dinadalaw ng antok gabi-gabi, kaya naman nagbasa na lang ako ng librong nakatulugan ni ate.
Tumayo na ako. Agad akong nagmartsa pababa habang inirorolyo ang buhok. Sinulyapan ko ang bunsong kapatid na ngayon ay pinapainom ni mama ng gatas sa maliit na tsupon. Inipit ko ang buhok gamit ang isang malaking clip.
Sumulyap si mama sa akin sa kabila ng pagiging abala n'yang pagsayaw sa kapatid, natutulog na ito ulit. Dahan dahan n'yang inihiga si Stella sa kuna nito habang lumiko naman ako papuntang kusina namin.
Nadaanan ko pa ang maliit nilang kwarto, tulog pa roon si papa. Hindi ko alam kung anong oras na s'ya nakauwi kagabi, ang pagkakaalam ko ay tinapos nila ang kinokopra sa lupain ni Tito Berting.
Muling umiyak si Stella. Walang nagawa si mama kundi kargahin ulit ito at isayaw. Nagmumog at hilamos ako sa gawa sa kawayan naming hugasan. Pinunasan ko ang mukha gamit ang laylayan ng suot kong damit habang tinatanaw ang lalagyan namin ng mga gulay.
May papaya at puso ng saging pa roon. Dinampot ko ang dalawang piraso ng puso ng saging.
Gigisahin ko na lang siguro mamayang tanghali 'yung papaya?
Mahinang katok sa pinto namin ang nakaagaw sa atensyon ni mama maging ako.
"Tao po..."
Umiling na lamang ako. Ang aga aga pa, na andyan na agad!
Abala si mama sa bata kaya ako na lang ang lumapit sa pintuan namin.
"Nakakabulabog ka. Ang aga aga," bulong ko habang nakadungaw ang ulo sa labas. Naroon si Lawrence, nakangiti habang may itinataas na isang paper bag katapat ng kan'yang balikat.
Tinaas taasan niya pa ako ng mga kilay habang hindi mawala ang malaki niyang ngiti.
"May pasalubong ako eh... hindi ko naibigay sa'yo kagabi,"
Tinitigan ko ang dala niya. Ito nanaman ang pagkakataong nagpapaalala sa akin ng estado ko. Siguro, isa na rin sa dahilan kung bakit hindi ko matanggap tanggap ang mga ibinibigay niya kahit man lang regalo kasi insecure ako. Matataas ang halaga ng mga binibigay niya, halagang hindi ko man lang mahawakan sa mga kamay ko, ilang araw na pag-iipon ko pa ng baon ko.
YOU ARE READING
Unveiled Novel (Babaeng Literatura Serye Uno)
De TodoA love to be sacrificed and exhaust... Be part of the story of our novels, Novel and Yousef. Started: August 17, 2024