"Who the fuck is this," mahinang usal ko habang magkatabi kaming nakaupo ni Knight sa couch niya. Nanonood kami ng movie ngayon.
"That's me," usal ng katabi ko.
"Stalker."
May nagview kasi ng story ko e ilang segundo pa lang iyon na naka story sa account ko. Isang litrato lamang iyon ng pinapanood naming movie sa malaking t.v.
"Weak," kumento ko. "Dump account gamit."
Hindi tumugon si Knight kaya nagfocus nalang ulit ako sa panonood sa t.v. Ako ang namili ng series na ito at gandang-ganda ako sa takbo ng kwento nito. This series is recommended by my sister.
Nang magvibrate ang phone na nasa hita ko, binuksan ko kaagad iyon dahil baka may importanteng nagmessage. Ang notification galing sa isa sa mga social media ko ang bumungad.
kroquillo started following you.
"Matapang na ako nito?" aniya pero hindi na ako nqkatugon pa.
Kinakabahan ako na baka mapagtagpi-tagpi ng mga tao na may kung ano sa amin ni Knight. Grabe pa naman ang kacurious-an ng basketball fans sa buhay ni Knight.
"Dito ba talaga ako... matutulog ngayong gabi?"
"Why? Don't you like to sleep here with me?" he gently asked me.
Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niyang iyon. There is part of me that I don't want to sleep here but there is also part of me that I wanna stay here with him.
"I don't know," tugon ko, hindi na makatugon sa kaniya.
Hindi na tumugon si Knight kaya hindi na rin ako nagsalita. Hindi ko na dinagdagan pa ang sinagot ko sa kaniya.
"Come here..." aniya mayamaya sa mababang boses.
Napabaling ako sa kaniya at naabutan ang madalas na mukhang ipinapakita niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin hinihintay akong lumapit sa kaniya.
Hindi nagtagal, lumapit nga ako sa kaniya. Sinakop naman ako malalaking braso niya at kinumutan din ng comforter na gamit niya kanina.
"W-what are you doing, Knight?" utal na tanong ko dahil sa gulat ko sa kaniya.
"I just wanna hug you. Ang lamig kasi." Tanginang dahilan 'yan. Parang lalo lang nanlamig ang kamay ko sa kaba sa kaniya. "By the way, what do you want to do tomorrow?"
Kumunot ang noo ko. "Ang usap, dito ako matutulog, Knight. Wala tayong pinag-usapan na nandito pa rin ako bukas."
He chuckled. "I just tried my luck."
Sandali kaming natahimik. Biglang pumasok sa isip ko kung ano ba talaga kami ngayon. Hindi niya ako nililigawan dahil hindi naman ako interesado talaga pero... ano kami ngayon? Anong gagawin namin ngayon? Uso pa ba ang mutual understanding— Hindi naman ako umamin na gusto ko siya. Huh? Gusto ko siya? Tangina, bakit ganito ako. Nahihibang na ako ng dahil sa kaniya.
"What are you thinking?" tanong niya kaya napakagat ako sa labi ko dahil sa sobrang hiya. "Hmm? What is it?Is there bothering you anything? Care to tell me, please, baby."
Tumikhim ako bago nagsalita. "You're not courting me, right? So I can still go on parties, kiss different guys and spotted with other guy."
Kita ko kung paano umaigting ang panga ni Knight sa sinabi ko pero mayamaya din ay nagbigay siya ng magaang na ngiti na alam kong hindi naman totoo. Bahagya niya pang inilapit ang mukha niya sa akin.
"You can... do whatever you like, Kiara. I won't stop you doing what you want to."
Paano kaya iyon? Kung ibabalik niya kasi ang tanong na iyon sa akin, malamang ay hindi ako papayag. Hindi kami magboyfriend pero gusto ko... sa akin lang siya. Selosa pa naman ako.
YOU ARE READING
Wild Series #2: Cowgirl
RomansaKiara Kae Yu is from Business Management Department at DLSU. She's a famous volleyball player at their university. He's like his Kuya Leivi who don't give a damn but the difference is she's afraid for the consequenses of her wrong doings. Kaagad niy...