Your Song

35 1 0
                                    

Si Ryan ay isang 4th year high school student na mahilig sa music. Kahit di man kagandahan ang kanyang boses ay sige parin sya ng sige sa pagkanta. Bagamat hilig nya ang music, di sya marunong tumugtog ng mga instruments. Oo nga pala, pangarap nya palang haranahin ang kanyang crush - si Bea. 

Si Bea ay isang napakasimpleng babae pero matalino. Siya nga ang valedictorian ng mga 3rd year eh! Nasakanya na nga ang lahat ng hinahanap ni Ryan eh! 

Oh game! storya na!

Malapit na ang JS PROM! nakuu kali kaliwa ang paghahanap ng mga date ng mga kaklase ni Ryan! surprise dito, surprise doon! sige dito, sige doon! ngunit, etong si Ryan ay wala pang date. Gusto sana niyang yayain si Bea para maging date pero, di nya alam ang gagawin. Kinakabahan sya at may pagkatorpe kasi eh!

Nagpatulong si Ryan sa mga kaklase nya na nagsisipagdiskartihan ng mga kadate. Andaming suggestions! di niya alam pipiliin nya! Sa huli, nagcome up sila sa isang plano na simple nalang niyang yayain si Bea. 

Pagtapos ng klase, pinuntahan ni Ryan sa classroom nila si Bea kasama ang mga kaklase nito na may hawak na mga cartolina. Sa hudyat ni Ryan, binaligtad ng mga kaklase nya ang mga cartolina at may mga nakasulat na "Will you be my prom date?"  sabay luhod sa harap ni Bea.

"Bea, matagal na kitang balak yayain na maging date pero ngayon pa lang ako nakapagcome-up dito. Pasensya kung simple lang pero, Bea, will you be my prom date?" sabi ni Ryan. Natulala si Bea. Shock na shock sya at nag bblush. "Sure!" nalang ang lumabas sa bibig nya na salita. Habang kinikilig ang ibang mga kaklase ni Bea, maligaya namang lumabas sa classroom si Ryan.

-----------PROM DAY-------------------

Umaga bago ang prom, tumutulong si Ryan na mag ayos ng Venue na pagdadausan ng prom. Tinatawag na sila ng kanyang guro para umalis at pumunta na sa venue. Bago siya umalis, pinuntahan niya si Bea sa room nila. "Huwag mong pakaganda mamaya ah! Baka no match ako!", biro ni Ryan. "Di naman ako magpapayos mamaya eh!" sabi naman ni Bea. Sumakay na si Ryan sa jeep na papunta sa venue habang nakangiting nakatitig kay Bea.

Nagpaturo si Ryan sa mga kabarkada nyang manggitara habang wala silang ginagawa sa Venue. Pilit na pinagtiyagaan ni Ryan ang pag-aaral mag - gitara. Balak niyang sorpresahin si Bea mamaya sa prom! Nagpagawa na rin siya ng boquet sa kanilang guro. Gusto kasing maging memorable ni Ryan ang una at huli nyang prom lalo na at kasama nya pa si Bea! :)

Kinahapunan, habang nagtitipon sila sa venue bago mag umpisa ang prom, hinahanap ni Ryan si Bea. Nang nakita na nya ito, siya ay natulala sapagkat si Bea ay nagniningning sa kanyang suot at napakaganda niya. "Sabi ko nang wag mong pakaganda eh!", sabi ni Ryan sabay ngiti ni Bea. Tinawag na sila ng mga ibang guro para mag pila para sa Entrance.

Nang mag start na ang program, magkatabing nakaupo ang mga magkakadate sa mesa. Kaya ayon! hanap dito, hanap doon. Nang makita ni Ryan si Bea, nagdesisyon silang umupo sa mesa na kasama ang mga kaibigan ni Bea at mga date nila. Hindi naman gaanong na OP si Ryan kase, ka close naman nya yung mga un.

Binigyan si Joyce, kaibigan ni Bea, ng isang red na rose ng date nya. After ng ilang moments, hiniram ni Ryan ang rose kay Joyce. "Oh eto! para sayo :) Yan lang ung afford ko eh! poor lang ako" sabi ni Ryan kay Bea. (FYI. Lagi kaseng snasabihang mayaman ni Bea si Ryan.) "Eh! balik mo yan!" sabi ni Bea. "Ganyan naman to! yan nalang nga mabibigay ko sayo, papamigay mo pa?" biro ni Ryan. "eh kasi naman di naman sayo yan eh!" sabi ni Bea. Dumating na ang pagkain at nagkainan na sila. 

Habang kumakain ay hinyaaan mag perform ang mga studyante na gustong magperform. Chance na ito ni Ryan! Matapos magperform ng ilang students, umakyat si Ryan sa stage. "Masaya ba kayo ngayong gabi?" tanong ni Ryan habang naka microphone. "oo!" sagot ng audience. "magkakanta muna po ako para sa inyo habang kumakain kayo!" sabi ni Ryan. Dali dali niyang kinuha ang gitara at isinuot sa balikat. "Ang kanta pong ito, ay hinahandog ko po para sa aking magandang date. Bea! para sayo to," Sabi ni Ryan. Nagpatulong si Ryan sa mga kabarkada nya para sa pagtugtog ng ibang instruemnts. "ready guys?" bulong nya sa mga ito. "It took, one look" inumpisahan na ni Ryan ang kanta. Napili nyang kantahin ang Your Song ng Parokya ni Edgar.

Habang nasa instrumental part ng kanta, kinuha niya ang boquet na pinagawa niya at bumaba ng stage at lumapit kay Bea. "Bea, sabi ko naman sayo diba, poor lang ako. Siguro naman tatanggapin mo na ito kase, para sayo na talaga to! :)" Sabi ni Ryan. "Ihh ganyan kaa andami mong surprise!" Sabi ni Bea. Tapos ay sinayaw na ni Ryan si Bea sa gitna. Talagang kilig to the bone ang mga audience!

Naging mag kasintahan ang dalawa at hanggang ngayon, keri lang sila! :) Talagang hindi parin makalimutan ni Bea ang ginawa ni Ryan nung kanilang JS prom at kapag may naririning syang your song na kanta, automatic, si Ryan na agad ang naiisip nya! :") 

--------------------------

Sorry po medyo pangit pa eh. First time ko po ito. Dont worry, ill make some revisions when there's no many works. Di pa po tapos yan! tinapos ko lang :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon