Chapter 61
Hope's POV
"Hi, reservation for Mr. Enzo Gutierrez."
"Oh, you're Ms. Buenaventura's friend?"
"Yes."
"Come this way, Sir." Tapos sinamahan na kami. VIP Treatment ang peg namin kasi manager pa ang naghahatid sa amin. Pagdating namin sa 15th Floor. Nakarating na nga pala kami sa Cebu at nagchecheck in kami ni Enzo dito sa hotel na binook ng company nina Venice para sa amin.
"This will be your room, Sir, and here are the keys. Enjoy your stay."
"Thank you so much." Tapos umalis na sila. Yung iba daw naming gamit isusunod na lang. Pagbukas namin ng hotel napanganga kami. Hindi dahil sa ganda, pero dahil sa may dalawang malaking kama sa loob ng kwarto. Magkahiwalay naman sila, may isang table at lamp ang naghihiwalay sa kanila pero... wait.
"Woah. Oh my god, I'm sorry. Venice' mom might have thought na I'm coming with my family kaya ganito? Usually kasi one room lang kaming apat nina mom, dad and Renz eh. Sorry."
"Ha? Ah... Eh... Okay lang. Kaya pala isang susi lang binigay sa'yo. Medyo nagpanic pa ako noon ah. Pero sige, ayos lang yan. Magkahiwalay naman yung kama eh."
"Yeah. I'm so sorry, if gusto mo ng privacy I can book another room—"
"Ano ka ba, ayos lang. Sure ako mahal dito sa hotel na 'to. Wag na okay lang." Kokontra pa sana siya kaso pumasok na ako sa loob. Libre na nga niya lahat, magpapareserve pa siya ng isa. Wow naman, Hope sumosobra ka naman sa pagkaswerte. Kaya magbehave ka diyan. Isa pa, as if naman rarape-in ka ni Enzo. Hind yun rape kung ginusto mo naman!
Pagkadating na pagkadating ng gamit, nahiga agad ako sa may side ko. Doon ako sa may left, siya sa may tabi ng bintana. Pagtingin namin sa labas, medyo madilim na. Pagtingin ko sa orasan ko, 7:10PM na.
"Hope."
"Yep?"
"Here's the menu. Padala na lang natin sa room yung food, medyo napagod ako." Umoo ako, di ko lang masabi na yes thank you so much dahil tamad na tamad na akong gumalaw. Pagtingin ko sa mga pagkain, nanlaki mata ko. Ang O.A ha! Doble presyo ng mga pagkain. Fries lang, 200 na?! Ano yan?! No fat fries?! At ano 'to? Yung rice, 80 pesos?! Ano 'to?! Imported?!
"Hoy, Enzo. Ba't naman ang mahal ng pagkain dito? Tara na. Lumabas na lang tayo. Ang mahal!"
"But... I can pay for it." Oh eh di ikaw na rich kid!
"Kahit na! Ang mahal uy. Sayang. Tara na—"
"Relax, Hope. I got this. I just want you to enjoy. Don't worry about the money, please? This is my gift. Besides, I really have to... rest." Ah. Okay. Oo nga naman, Hope. Medyo mahaba ang byahe, nakalimutan kong baka dahil sa lagay ni Enzo.
"Okay. Sorry. Sige." Tumingin siya sa akin na parang naguguilty.
"If you really want to go out, I can—"
"Enzo, kung ayaw mo wag nating pilitin. Hindi ako nadisappoint o kung ano man, kilala kita, wag kang magoverthink." Tapos nginitian niya ako, kaso may iba sa ngiti niya.
"Oh, bakit?"
"Nothing, I just... I want that. Gusto ko yung sinasabi mo na 'Kilala kita'. That's what I was telling you about. I want to have that relationship. Yung comfortable tayo, yung alam natin and kilala natin ang isa't isa." Napangiti din ako. Biruin mong may mga ganoong thoughts si Enzo.
"I really wanted to go to Maldives with you." Bigla niyang sinabi. Napabuka na lang ako ng bibig.
"MALDIVES?! Omg! Yung may puro beach tapos yung mga bahay parang nakalutang?" Natawa na lang siya sa description ko ng Maldives. Eh bakit ba? Ganoon ang nakikita ko sa picture eh.
BINABASA MO ANG
100 Steps To His Heart [Published Book]
RomansaNow a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng may gusto kay Enzo, part ng TRES GWAPITOS na kinabibilangan nina Enzo, Mico at Bryle. Isang araw, nakuha niya ang planner ni Enzo kung saan n...