MDT 19

310 4 4
                                    

Chapter 19

"Seriously, Callista? You called me last night to drive you here at the Capitol?" reklamo ni Atty. Alvarez habang nakasunod sa likod ko.

Nakapasok na kami ng Kapitolyo at inabot kami ng dalawang oras sa byahe! Malayo para ang capital ng Astalier sa lugar nila Rohen! Shocks, ano bang alam ko sa mga bayan dito? Ni hindi ko nga alam ilan pero sigurado akong malaking probinsya ito.

The cold wind from the air conditioner welcomed us in the lobby. Huminto ako at hinanap ang reception. The place was big. Not as modern as I expected but usual for a provincial capitol. Actually it looks fancy though. Shiny woods and white rocks and walls. Massive staircase.

"I don't have a car. Rohen will not let me borrow a service from the hacienda. Mag uutos lang rin iyon ng sasama sa akin," humarap ako sa kanya. "At hindi niya pwedeng malaman kung saan ako pupunta."

Humalukipkip ito. "Sa Lolo niya?" natawa siya.

I pursed my lips and just ignored it. "You said I could call you anytime I need something. I need you to accompany me today, maliban sa wala akong sasakyan hindi ko rin alam ang pasikot-sikot dito."

"So you need a driver and a tour guide?" humakbang siya palapit.

"If you're busy you can leave me here. Ayokong abalahin ang buong araw mo." I didn't make any move.

Ngumisi ito at umiling. "I'll wait for you. I have free time today."

Tumaas ang kilay ko. "You do? Wala kang tina-trabahong kaso ngayon?"

"I used my time overnight. So I could have this free day."

Natigilan ako. O, is it because of me?

I cleared my throat and looked away. So weird. If Rohen would say that I might feel the butterflies in my stomach. "I'll treat you after all of these."

Natawa siya at lumiwanag ang mukha. "That's nice! I'll look forward to that, Atty. Monteves."

Umiling-iling na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Ayoko lang na may maiiwan akong utang na loob sa mga tao dito. Gusto ko pagbalik ko ng Maynila malinis ang mga relasyon ko sa kanila.

"Good morning." bati ko sa receptionist.

"Good morning, Ma'am. Appointments po?"

I bit my lower lip. "Yes. I would like to set-up an appointment directly to the Governor."

Agad siyang natahimik at nagkatinginan sila ng kasama niya. Kumunot ang noo ko. Why? Imposible ba?

"Hindi po ma-a-accomodate ni Governor lahat ng request ngayong araw." balita nito.

I sighed silently. I already expected that. Alam ko namang hindi porket sumugod ako dito makakausap ko siya agad. I know I have to go through a lot of appointment set-ups just to get to him. And I am willing. I will spend my remaining time here in Astalier waiting for his time.

"It's okay. I just went here to set-up an appointment. But as soon as possible, much better." I stated.

Tumango ito at may tinignan na sa monitor. She clicked a couple of files I think because I heard it.

Hindi na ako makapag-antay kaya kinuha ko ang isang puting sobre sa handbag at nilapag sa counter. Napatingin sila doon. Ramdam ko ang presensya at panonood ni Atty. Alvarez sa likod ko.

"If I will not be able to meet him today. Can you just please send this to him? As soon as possible, please."

Wala namang kahit anong bakas ng pagtanggi sa kanya at agad rin na tinanggap iyon. "Sure po. Sakto at ngayon ang delivery ng mga mails sa bawat office." hininto niya ang ginagawa at mabilis na nilagay sa mas malaking envelope ang binigay ko. "Kuya Mike!" sigaw nito bigla.

Midnight Momento (Astalièr Series I)Where stories live. Discover now