SASKIA'S POV
Late na naman po ako. Napaka naman kasi nitong si Miles. Sinundo sundo ko pa, di naman pala papasok. Tinatamad daw. Naku naman. -_-
Paglabas ko ng gate nila, wala pang taxi na nadaan. Pag minamalas ka nga naman talaga. >_< Ang init pa man din. Bago ako makarating ng school, tustado na ako. Nang may dumaang taxi, pinara ko agad. Ayon, may sakay na pala. Nang may dumaan ulit, pinara ko. Ayun. Nakasakay rin ako sa wakas. "Archangel po manung." sabi ko sa driver at pinaandar na niya.
Pagkababa na pagkababa ko ng taxi, tumakbo na agad ako papasok ng school. 15 minutes to 8am na. Kaya ko to. Aabot pa ako. In case nga pala di niyo alam, nasa third floor lang naman ang classroom ko. Talk about luck. -_-
I'm practically sprinting up the stairs taking two steps at a time. Five minutes and I'm on the third floor na. Four more rooms to go. Aabot ako. Papasok na sana ako ng pinto ng makita ko'ng nasa harap na si Ms. Chan, Management prof namin. Napatigil ako bigla at binati siya. Pagtingin ko sa kaklase ko, lahat sila, nakatingin sakin. Duh. As if naman ngayon lang ako na-late nuh. Ganito talaga, paglate ka, be prepared to have a grand entrance. Naglakad na ako papuntang upuan ko at inayos ang notebook sa ibabaw ng upuan ko. Pagtingala ko, nakatingin pa rin silang lahat sakin. Ang wierd nila. Ano trip ng mga to? Ganda ko ba ngayon? Pft. As if di ko naman alam yun. LoL. Sobrang awkward na kaya nagsalita na ako. Pati kasi si Ms. Chan, nakatitig sa kin.
"Ahhhm. May dumi ba ako sa mukha?" nakakunot noo ko'ng tanong. Napansin ko na may hawak silang cellphone. Pati si Ms. Chan. Walang sumagot ng tanong ko hanggang nagsalita si Reid.
"Tameme talaga? Seryoso? Hirap talaga paniwalaan at i'absorb and katotohanang may talent ang kaibigan ko? Kaloka kayo." Naiirita niyang sabi staka bumalik sa pagsusulat ng kung ano sa notes niya.
Ha? Anong talent? Sinong friend? Ano ba natira ng mga tu ngayong araw?
"Ehem." pagbasag ni Ms. Chan sa katahimikan bago binigay ang phone na hawak niya kay Chia, kaklase ko. "Ms. Montenegro, I see that you have quite a talent."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ako? Talent? Baka may ibang Montenegro dito. Ano ba yan. Naguguluhan na talaga ako. Bago ko pa natanong si Ms. Chan, inabot sakin ni Robert ang phone niya. Sa harap ko siya nakaupo. Nagtaka ulit ako.
"Ano to?" tanong ko sa kanya.
"Cellphone." Langya. Nagawa pa talagang mamilosopo. Sapakin kita diyan eh. "On mo kasi." dagdag niya. Pag ako talaga napikon. Nako. Ini-on ko nalang ang screen niya habang nakasimangot. Tumambad sakin ang Facebook newsfeed niya. May post si Miles dun na ang daming likes. Video ata. I was about to scroll it down ng makilala ko kung sino yung babae. I tapped PLAY para makasiguro ako sa hinala ko.
O.M.G. Blink. Blink. Mapapatay ko talaga si Miles. >______<
REICHEN'S POV
I stepped into the room and I noticed my classmates clustered together. It looks like they are watching a video together. Well, wala naman akong pakialam so diretso nalang ako sa upuan ko na malapit sa bintana. I like this spot. Nakikita ko kasi yung mga puno na nasa labas. Wala pa kaming prof. Baka late na naman siguro. Kinuha ko nalang ang ipod ko. I was about to turn my headphones on when I heard a girl singing. Hinanap ko kung sino yung kumakanta. The voice is so good. I then realized na nanggagaling pala yun dun sa kumpulan ng mga kaklase ko. Siguro they're watching a girl singing. I cant figure out kung ano yung kanta pero its a slow and sad song and she sings it with all he heart na parang madadala at maiiyak ka nalang. The girl on that video got me curious.
After class, pumunta na ako sa tambayan ng barkada sa loob ng campus. Yun ay sa ilalim ng malaking puno ng mangga sa gilid ng football field. Andun na silang apat. Si Liam at Kale nakaupo sa damuhan habang nakasandal sa puno ng mangga at kanya-kanyang hawak ng mga cellphone nila. Tsk. Malamang naglalaro na naman ang mga yan ng kung ano-anong games. Si Enzo naman nakahiga sa damuhan habang may headset sa tenga. Soundtrippin siguro. Si Drei naman naka-upo sa paanan ni Enzo habang nagsusulat ng kung ano sa notebook niya.
Umupo ako sa damuhan katabi ni Liam at sumandal din sa puno. Kinuha ko ang gitara ko at tinugtog yun. Maya-maya pa, bumangon si Enzo sabay tanggal ng isang earphone sa tenga.
"Hey guys. Have you seen this trending video na nasa page ng school.?" tanong niya saming apat. Umiling kaming lahat. "Seriously?" nakakunot noo niyang tanong. Nagkatinginan kaming apat at sabay na tumango. "Wag niyo kasi gawing PS4 yang mga phones niyo. Minsan pakinabangan niyo naman." Nagkatinginan sina Liam at Kale bago napasimangot. Sila kasi yung mas natamaan. Haha.
"Dami mo pang sinabi. Patingin na nga lang niyang video." sabi ni Kale staka kami isa-isang lumapit sa likod ni Enzo para sabay na manuod ng sinasabi niyang video. Bago maupo, sinadya pa ni Kale at Liam na itulak si Enzo. Tiningnan tuloy sila ng masama ni Enzo. "Sorry" natatawang sabi ng dalawa.
Ang setting ng video ay sa isang kwarto. Nakapwesto yung camera sa ibabaw ata ng isang study table at naka-focus sa isang kama. Maya-maya pa, may babae ng naupo sa sahig sa may paanan ng kama at may hawak na gitara. May nagsalitang isang babae na hindi nakikita sa camera at sinabing "Kumanta ka na kasi. Nakakabore naman dito." Ngumiti yung babaeng naka-upo sa sahig at nagsimula ng mag-gitara hanggang sa kumanta na siya.
If i'm not mistaken, this was the song i heard kanina dun sa classroom. So this is the girl i heard kanina. This is what she looks like. Maganda siya kahit mapapansin mo'ng simple lang siya. Nakasuot siya ng itim na V-neck shirt at gray na pajamas. Nakapusod ang buhok niya gamit ang isang lapis. Ang ganda niya talaga pakinggan. She sings with the heart. Pagkatapos niya kumanta, ngumiti lang siya. Pero yung ngiting hindi abot sa mga mata. Tumayo na siya, hinubad ang gitara at umalis na sa frame.
"Wow." narinig ko'ng sabi ni Kale. "That was awesome."
"Damn right. Pero anong song yun.?" tanong ni Liam kay Enzo.
"Terrible Things by Mayday Parade." -Enzo
So yun pala ang title ng song. Ang lungkot ng message ng song. Bakit kaya yun ang kinanta niya?
"Saklap naman ng kantang yun. " sabi ni Drei staka bumalik na ulit sa pagsusulat ng kung ano sa notebook niya. Bumalik na rin sa paghiga si Enzo sa damuhan. Pati si Liam at Kale bumalik na din sa paglalaro. Napasandal nalang ulit ako sa puno at tumingala. Naisip ko yung babae. Pamilyar kasi siya. Pero di ko maalala pano ko siya nakilala.
A/N
Short chapter lang. Hope you like the story so far. :)
BINABASA MO ANG
Will Love Be Enough?
Teen FictionHow long can you stay and fight for the one you love? How far can you go to save your relationship? Will you still fight even when he deliberately pushed you away?