AndriusHabang kumakain ay hindi ko maiwasan isipin kung ilang buwan o taon na ba ang nakalipas noong huling sama-sama namin kumain sa hapag-kainan. Mom and dad are here. Kasabay ko sila kumain.
Tahimik lang kaming kumakain ng breakfast. Hindi ko maipagkakaila na natutuwa ako pero alam kong may kulang.
"How's your grades‚ Andi?" Dad asked out of nowhere. I swallowed the food in my mouth before answering him.
"It's fine po. Napagsasabay ko naman lahat," magalang na sagot ko sa kaniya.
Napatigil ako sa pagsubo nang ibaba niya ang kutsara at tinidor na hawak niya. Pabuntong hiningang sumandal sa upuan at tumingin sakin nang mariin.
"What do you mean by that?" Lihim akong napamura dahil sa tanong niya. Hindi pa pala nila alam na kasali ako sa basketball.
"Sumali ako sa basketball‚ dad. I want some extra curricular," kabado na agad ako.
Agad na kumunot ang noo niya. Nagsalubong ang kilay.
"Hindi ka talaga titigil sa kahibangan mong iyan? Walang maidudulot na maganda sayo ang basketball. kung gusto mo ng extra curricular‚ sumali ka sa ibang events sa school. Talagang hindi mo na kami sinusunod," mabagal pero mariing sambit niya. Napayuko ako-pinipigilan ang galit na namumuo sa dibdib ko.
"I can multitask‚ Dad. I can handle myself," nakayukong sagot ko. Ayaw kong makita ang reaction niya.
"I'm tired of repeating myself again and again‚ Andrius. If you want to continue being a player‚ leave my house. Your choice is in your hand. Choose wisely," iyon lang ang sinabi niya. Basta na lang tumayo at umalis.
Nanghihinayang na napatingin ako sa kaniya. I'm really disappointed. Why can't I choose what makes me happy?
Hilaw akong napangiti sa kawalan.
Tumingin ako kay Mommy. Kung disappointed si dadi‚ mas lalo na siya. Iiling-iling siyang tumayo‚ niligpit ang pinagkainan niya.
"This is for your own sake‚ Andi. Leave your team or leave this house," sambit niya bago tuluyang umalis.
Napatitig ako sa mga pagkain na nasa harap ko. Nawalan ako agad ng ganang kumain dahil sa mga narinig.
Minsan na nga lang mabuo sa harap ng pagkain, ganito pa ang nangyari. Bakit hindi nila kayang isantabi muna ang galit nila sa akin? Hindi ba sila napapagod?
And for my own sake? Iyong sinasabi nilang own sake‚ hindi ko magawang sumaya. Mas nararamdaman ko pa ang totoong saya kapag nasa school ako at kasama ang mga kaibigan ko.
Our home doesn't feel like home anymore.
I'm already 2nd year college for heaven's sake.
I want to tell them what I really feel. I want to tell them what I really want. Pero alam kong hindi sila makikinig dahil wala naman silang pakialam.
Walang ganang bumalik ako sa kwarto ko‚ humiga sa kama at tumulala sa kisame.
Inilagay ko ang braso ko sa mga mata ko‚ mapait na ngumiti.
Ramdam ko ang mga luhang kanina pa gusto lumabas. Para silang nag-uunahan. Napapagod na ako. Tahimik akong umiiyak.
If they can't support me‚ I'll do it on my own.
I called all of my friends but they didn't answer. It's sunday‚ sigurado akong family day nila.
Wala sa sariling napatingin ako sa cabinet kung saan nakalagay ang mga damit ko.
