CHAPTER THIRTY-SIX

942 27 1
                                    

Someone Pov:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Someone Pov:

Nakaupo ako sa aking trono habang tinitigan ang lalaking nakaluhod sa aking harapan ngayon. Ang aking taga-utosan sa mundong ibabaw.

"Anong balita?" Tanong ko dito sa malalim na boses.

"Sinabi po niya sa akin na pumasok daw po ito sa akademya ng Lightea at kasama nito ang mga elite warrior," nakayukong sagot nito.

Gumuhit ang mapaglarong ngisi sa aking labi dahil sa wakas nahanap ko na rin ang matagal ko nang hinintay.

"Babalik ka kung saan ka nararapat, aking... pamangkin. Wala parin kayong takas ng iyong ina sakin. If I can't take her back, then you'll be the one who will be taken. Napakalaki mong pakinabang para tuloyan kong makamit ang aking matagal na pinaplano."

Hindi ako nagkakamali sa naramdaman ko sa mga araw na 'yon. That powerful aura was coming from my niece. Amoy na amoy ko ang dugong nanalaytay sa katawan niya na kapareho ng dugong sa aming angkan. Why did she choose to marry that bastard?! Wala namang magandang maidulot ito sakanya sapagkat ito lamang ang naging dahilan ng kaniyang pagka-miserable sa buhay. Kaya nasasaktan ko siya dahil palagi niya nalang pinakakailaman ang mga plano ko! Kaya nga'yon ang kanyang anak ang kukunin ko upang tuloyan ko ng makamit ang mga plano ko laban sa mundong ibabaw. That useless king was never taking good care of my niece.

"Magsagawa kayo ng plano upang makapasok sa akademya at matsyagan niyo ang aking pamangkin." utos ko dito bago inubos ang dugo na nakasalin sa aking baso.

"Masusunod po, Haring... Draco." nakangisi niyang sambit dito bago tumingin sa mga mapupulang mata nito.

"Just wait for me, my dear niece."

Satania Pov:

"Enjoy and good luck to your class tomorrow, Lady Satania." Nakangiti niyang sambit sakin.

"Weirdo," mahina kong balik.

"I take that as a compliment," he winked.

Napangiwi naman ako kasi kanina pa siya panay ngiti, eh. Pagmamay-ari pala nila, suplado itong akademya, kaso iyong tiyohin niya ang nagsisilbing nagmanage nito pero tumutulong naman si suplado para panatilihin ang kaligtasan at kaayusan ng mga nag-aaral dito.

"Tara na nga, kuya! Kanina pa ako kinikilabutan dito." Tingnan ko si Kuya Damon na mahina lang napatawa.

Eh?

"I'm sorry, Dean. Sadyang naninibago lang talaga ang kapatid ko dito," sambit ni Kuya dito.

"It's okay, Prince Damon." Sabay tingin niya sakin.

Iisipin ko na talaga na may gusto siya sakin sa kakangiti niya ganyan. Biglang pumasok sa isip ko ang imahe ni Lusiano kong nakangiti ito. Gwapo... san-teka, ba't ba siya ang inisip ko?! Magkaiba sila ng ugali at iyon na 'yon.

"Mauna na kami, Dean." Paalam ni Kuya dito.

Tumango naman ito 'tsaka kumaway.

"Be safe, Lady Satania."

Agad akong napatigil sa paglalakad at tinapunan ito ng tingin. Pero seryoso itong nakatingin sa gawi ko, which made me curious.

"Satania," tawag sakin ni Kuya Damon.

Di ko nalang ito pinansin pa at tuloyan ng lumabas.

Concern ba siya sakin? Baka natamaan nga ang isang Dean sa akademyang ito!

The Hidden Daughter (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon