Kinabukasan, naglalakad kami nina Mason, Laine sa portal patungo sa mundo ng mga Taong Lobo
"Cassy you have to talk to me ebventually." Sabi ni Mason habang papasok kami sa bagong mundo
"Actually, I don't.. Hindi ko kayo kailangan kausapin.." Sagot ko naman
"Anong kasalanan ni Laine?" Tanong niya
"Tanungin mo ang Girlfriend niya," Sabi ko habang napaikot ng mga mata
"Hindi ko Girlfriend si Heather," Sabi ni Laine
"Oh talaga?" Napalingon ako sakanya. "So, hindi kayo nag-date? In that case, I assume no kiss was involved?"
Natahimik si Laine.
"Exactly." Nagpatuloy ako
"It didn't... Hindi ko siya gusto sa ganung paraan.." Sinubukan niyang magpaliwanag
Tumingin ako sakanya saglit tumalikod na para magpatuloy sa paglalakad.
"Cassy, sandali lang. Baka nakakalimutan mo, kailangan mo ako para makapunta sa Mama mo." Sabi ni Mason
"Oh.. Para magsinungaling ka rin kung saan siya nakatira?"
"Sa ilang daang beses, sinabihan niya akong magsinungaling!" Napabuntong hininga siya
Hindi ko siya pinansin habang patuloy ako sa paglalakad.
Pagdating namin ay matiyagang naghihintay si Mama habang papasok kami.
Binati ko siya at Nagpahayag ng galit sa lahat ng kasinungalingan. Naiintindihan niya na hindi iyon ang pinakamagandang ideya ngunit ang tanging naiisip niya sa ngayon, humingi ng tawad at nangako na hindi na mauulit.
"Mason, Why don't you take Laine to Cassy's room? Let me and Cassy talk alone for a moment." Sabi ni Mama
"Bakit sa Kwarto ko?" Tanong ko
Alam kong wala itong mga gamit ko don dahil never pa akong nakapunta sa kwarto ko pero kakaibang isipan na maghihintay siya sa kwarto ko.
Sinamaan ako ng tingin ng Mama ko. Wala na akong ibang sinabi dahil sa kanyang mga mata na nakakatakot tingnan.
Sa sandaling umalis sina Mason at Laine, nagsimulang magpaliwanag sakin ang Mama ko ng ilang bagay.
"Nabalitaan ko ang tungkol sa pag-atake. Seguradong nagtataka kung bakit gusto ka nilang patayin. Ang Papa mo at ako ay umaasa na ikaw ang magiging susi sa pagbubuklod ng ating dalawang mundo bilang isa. Kahit papaano, may naniniwala sa mga salita namin at maraming nagagalit.. Saying that it was wrong for us to have had you, much.less in secret.."
"How exactly am i supposed to bring vampires and werewolves together? Hindi ba ilang siglo na silang nag-aaway?"
"Ginagawa na namin ang lahat pero ang pinaka importante sa ngayon ay panatilihin kang ligtas.." Sagot niya
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya iniba niya ang usapan.
"Sinabi rin sakin ng Papa mo ang tungkol sa namumuong nararamdaman mo para----"
Nanlaki ang mga mata ko
"Woah! Sandali! Alam kong Mama kita at lahat pero ibang tao ka pa rin sa ngayon.. Either way my.... Uh.... Private... Life is private..."
Masyado pang maaga para pag usapan ang ganung bagay sa Mama mo na hindi mo pa lubos nakikilala..
"Okay, Naiintindihan ko. Just know I'm here if you need me." Ngumiti siya at mukhang pinipilit na huwag tumawa.
BINABASA MO ANG
Hybrid (GirlxGirl)
FantasiaThis is Girlxgirl Fantasy story (Taglish) Date Started - December 02, 2023