Outscored

0 0 0
                                    

I can't believe this!

H-how the hell did this happen?

No...

No...

No way in hell na matataasan ako ng disorganized na lalaking 'to. Paniguradong nagcheat siya. Imposibleng mas mataas na score ang nakuha niya sa akin. Napansin niya sigurong masama ang tingin ko sa kanya dahil napatingin siya sa akin. Noong nakita niya akong nakatingin sa kaniya ay agad itong nag iwas ng tingin. Ngunit pamaya maya lamang ay tumingin ulit ito sa akin ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ito nag iwas ng tingin at nangunot ang noo.

Inirapan ko ang bwisit na lalaking 'yon. After kami idismiss ng prof ay agad ko itong nilapitan. Mabagal itong nagliligpit ng gamit sa table niya. Napaangat siya ng tingin ng mapansing may nakahinto sa harap niya.

"Bakit?" Kumunot ang noo nito.

"Did you cheat?"

I asked.

"What?" Takang takang tanong nito.

"Don't make me repeat my question."

"Woah, woah." Sabi nito na may kasama pang hand gesture na katulad noong sa kdramang pinapanood ni Ash.

"Chill, Ms. Tan. I did not cheat, hindi porket mas mataas ang nakuha ko sayo ay nandaya na ko. You know how strict sir Ricaforte is. Imposibleng makapandaya ako."

"Then did you get a copy of the questions from other blocks." Nakataas na kilay na tanong ko.

Bumuntong hininga ito na parang nauubusan ng pasensya.

"I did not, Ms. Tan. Ni hindi ko nga naisip 'yan. Why can't you just accept the fact na hindi palaging ikaw ang the best." May kasama pang gesture 'yung pagkakasabi niya ng the best.

"Matatanggap ko pa siguro kung hindi ikaw 'yung mas mataas. Because it ks impossible. Palagi ka nga lang tulog sa klase and madalas ka ring absent! So paanong nangyari bigla na lang mas mataas ang nakuha mo sa akin."

Sarkastiko itong napangiti sa sinabi ko.

"Tungkol pa rin ba 'to sa nangyari nung nakaraan kaya ka nagkakaganyan? Nagsorry na ako sayo at sinabi ko ring hindi ko sinasadya malay ko ba-"

"Shut up!" Nanggigil kong sabi sa kanya.

"Don't you dare talk about that incident." Mahina kong sabi rito.

Napangisi naman ito, sa inis ko ay tinalikuran ko ito at dali daling kinuha ang bag ko bago lumabas ng room.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Misfit #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon