"Illari! Please give this to my twin naman. Your next class is in two hours pa naman right?"
Napatigil ako sa pag aayos ng mga gamit ko nung marinig ko yung sinabi ng kaibigan ko. We are currently getting ready to leave the room, the more than two hours class just ended and my friend here, Ianna, is already panicking for her next class because our professor just extended it for 15 minutes.
"But-"
Hindi ko pa natatapos ang aking sinasabi ng ibigay niya na sa akin ang isang paper bag na napansin kong bitbit niya pagpasok.
"I don't know where he is!"
Papaalis na sana siya ngunit agad ko siyang pinigilan.
"I almost forgot! I'm sorry!"
Natawa siya ng marealize niyang hindi pa nga niya sinasabi kung nasaan ang kakambal niya.
"He's in the headquarters of the soccer team and ganina pa niya siguro inaantay 'yan don."
"We're not close, Ianna"
"Ano ka ba naman Ilarri. I didn't ask you naman to talk for hours and befriend my brother. You're just going to him. That's all. I really need to go. Bye, babe. Thank you so much."
Dere-deretsong sabi nito at nagflying kiss pa bago nagmamadaling lumabas ng classroom namin. Napabuntong hininga na lang ako. Naglakad na rin papalabas ng classroom.
After minutes of walking I saw a tall guy sa labas ng HQ ng soccer team. Nasa cellphone nito ang kanyang tingin bumabagsak ang medyo may kahaba nitong itim na itim na buhok sa noo nito. That's why hindi niya ako napansin na lumapit sa kanya.
"Hi."
I said quietly. Not sure if he heard me. So I cleared my throat. He immediately looked up to me and I met his hazel eyes. Napalunok ako kahit na matagal na kami magkaibigan ni Ianna hindi kami masyadong nagkakainteract ng kakambal niya. Dahil hindi rin naman sila madalas makitang magkasama ng kakambal niya sa loob ng University. Paniguradong hindi niya rin ako kilala dahil hindi pa rin naman kami nakakapunta sa bahay nila. Palagi kasi nila gusto kumain sa labas. Kada nga may bagong kainan asahan mong nandon agad kami. Well sila pala dahil minsan hindi naman ako nakakasama and nahihiya na rin akong palagi nila akong nililibre.
Matagal kaming nagkatitigan dahil nakalimutan ko saglit kung ano ang pinunta ko dito. Natulala ako sa mukha nito. Nakita ko kung paano unti-unting kumunot ang ulo niya at muling binalik ang paningin sa cellphone na hawak. Kaya naman inagaw ko muli ang ang atensyon nito.
" Hello."
Malinaw na nasabi ko at sinamahan ko pa ng pagkaway sa tapat ng mukha niya. Ngunit hindi ako pinapansin nito. Napabuntong hininga ako.
"Indigo Othello?"
Bumuntong hininga rin ito at muling sinalubong ang paningin ko.
"Look Miss. I don't have time to flirt with you, okay?"
Iritang sabi nito. Unti unti ay nakaramdam ako ng iritasyon. Humigpit ang hawak ko sa paper bag at hindi ako makapaniwalang tumingin sa walang hiyang lalaking 'to.
"I did not approach you because I like you, okay? May pinapabigay si Ianna."
Sabi ko at itinaas ang paper bag na hawak. Napairap naman ito at sarkastikong napangiti.
"Please don't use my sister just to get my attention. Gasgas na 'yang linya mo na 'yan. Just get out of here." Naiinis na sabi nito at muling ibinalik ang tingin sa cellphone nito.
Nairita ako sa sinabi niya at gusto kong ipakain sa kanya 'tong laman ng paper bag.
"Is this what you need?" Inilibas ko ang kahon ng sapatos niya sa paper bag na bigay ni Ianna.
Napaangat muli ang tingin niya sa akin at mababakas ang gulat sa mukha nito. Lumapit ako dito at itinulak ang box ng sapatos sa dibdib nito at agad binitiwan. Agad naman niya itong nasalo.
Tinalikuran ko ito matapos iripan. Ang kapal ng mukha ng hinayupak. At gwapong gwapo sa sarili?
Isa iyon sa mga ayaw ko sa isang lalaki. Feelingero at gwapong gwapo sa sarili. Ano sa tingin niya? Lahat ng babae may gusto sa kaniya? What a jerk.

BINABASA MO ANG
Indigo (Rainbow Series)
Подростковая литератураIllari is a hardworking person whose only goal in life is to provide the best possible future for her parents, ensuring they live without the constant worry of making ends meet. She is goal-oriented, organized, and always plans ahead. However, her c...