Kabanata 6

3 0 0
                                    

Kabanata 6

Pain

"Isang bagay lang ang gusto kong sabihin sayo, Alona... Sa buhay natin, kailangang mamili... Ikaw ang masasaktan o ikaw ang makakasakit. Kung ibabalik mo siya... Ikaw lang ang mas masasaktan, kung itatago mo siya, ang buong angkan niya ang mawawalan. Kaibigan kita, at alam kong sa huli ay pipiliin mo pa rin ang tama."

Ang mga huling salita ni Isabel ang tumatak sa aking isip. Bago siya tuluyang umalis kanina ay lumingon siya sa akin at sinabi iyon. Bagay na mas lalong pinagulo ang isip ko at nagpakirot ng husto sa puso ko.

Sa unang pagkakataon ay nag-away kami ni Isabel. Mas lalo akong nasasaktan dahil sa nangyare. Ang nag-iisa kong kaibigan ay nasigawan ko. Sobrang sakit para sa akin niyon.

Bukod doon ay nag-away kami dahil kay Tupe. Hindi ko napigilan ang aking damdamin kanina nang makita ko ang mukha ni Tupe sa diyaryo kasama ang isang babae. Hindi naman ako tanga para hindi mabasa ang nakasulat doon. Nakatakda silang ikasal dalawa nung babae.

Nanliit ako ng husto sa aking sarili nang makita kung gaano kaganda ang babae. Bakas na bakas sa itsura nito ang karangyaan at kapangyarihan. Hindi maipagkakailang magugustuhan siya ni Tupe. Nasa kanya ang tipong hahabulin ng lahat. Napakaganda niya at napakayaman.

Samantalang ako? Anong laban ko sa kanya? Isa lamang akong hamak na mangingisda at nagbebenta ng isda sa palengke. Isang kahig, isang tuka. Hanggang High school lang din ang natapos. Nahihirapan pang kumita ng pera sa isang araw para sa pagkain naming magkakapatid. Si Tupe... Napakataas niya. Sobrang taas. Kumbaga sa isang tore, siya ang nasa tuktok habang ako'y nasa ibaba niya at nakatingala. Hindi siya kayang abutin.

Nasasaktan ako sa isiping hindi nga kami pwede sa isa't isa. At pakiramdam ko'y ako lang din ang nagmamahal sa kanya. Ako lang ang nag-iisip ng ganito. At ako lang ang pwedeng makaramdam nito.

Bumuntong-hininga ako. Gabi na nang makarating ako sa baryo namin. Dumiretso ako kina Aling Tesing upang kunin si Mimi. Pinabantayan ko muna ito saglit dahil kailangan kong magbenta. Si Trio kasi nasa kanyang kaklase dahil may group study daw ito para sa darating nilang reporting. Hinayaan ko siya dahil alam kong makakatulong ito upang mas dumami pa ang kanyang kaibigan.

Sa di kalayuan ay tanaw ko si Tupe at Mimi na nagtatawanan sa aming tambayan habang gumagawa ng origami. Medyo may kalakasan ang kanilang tawanan kaya't rinig na rinig ko kahit malayo.

Sa kabila niyon ay bumigat ang aking dibdib. Napahawak ako rito dahil sa kirot. Ang makitang masaya si Mimi kasama si Tupe ay mas lalong nagpukaw sa aking damdamin na huwag siyang pakawalan. Ngunit naiisip ko ang mga salita ni Isabel. Hindi maaring maging madamot ako lalo na at hindi ko siya pagmamay-ari. Hindi siya akin.

"Are you okay, Alona?"

Nagulat ako sa nagsalita sa aking harapan. Ni hindi ko man lang namalayang lumapit na pala siya sa akin.

"H-ha?"

"W-why are you crying? Something happened? Tell me, Alona." hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Nag-aalala.

Ang kanyang mainit na palad ay mas lalong nagpasakit sa aking puso. Tinanggal ko ang kamay niya sa aking braso at pasimpleng pinunasan ang luhang di ko namalayang lumandas. Nagbago ang emosyon niya. Sinubukan kong ngumiti.

"A-ayos lang ako." ngiti ko.

"Then, Why are you crying?" unti-unting dumilim ang kanyang ekpresyon. "Who made you cry?"

Ikaw...

Napatitig ako sa kanya. "M-masaya lang ako dahil... Naubos ang paninda kong isda kanina. Medyo marami-rami ang kita ko."

The Heart of the Wildest Wave (Madrande Series #1)Where stories live. Discover now