Andrius“Why are you so kind to me?” Iyon ang unang nasambit ko pagkatapos naming manahimik.
He was hugging me while I was crying silently. He was hugging me without saying anything.
“Who said that I’m being kind to you? I am not” Nagsusungit na agad siya.
Halos kahalating oras akong umiyak sa kaniya. Halos kalahating oras niya ako yakap-yakap.
“Edi bakit mo ako niyakap kanina? Naaawa ka lang talaga sakin?” Natatawang tanong ko.
“You’re stupid‚ aren’t you?” Nagtatanong lang‚ natawag pang stupid.
“Ikaw nga pasmado bunganga” Inis na sambit ko. Natawa siya nang mahina.
“Tell your parents that you are with me” Napangiwi ako dahil sa narinig.
“Pinalayas nga ako tapos gusto mo pa sabihin sa kanila kung nasaan ako? Siraulo ka?” Sinamaan ko siya ng tingin‚ balewala iyon sa kaniya.
“Whatever‚ Zamora.” Pairap niyang sambit. “You can stay here as long as you want‚ I don’t mind.” dagdag niya pa.
“Sige‚ mag stay ako ng isang taon dito” Biro ko sa kaniya. Ngumisi siya.
“I don’t mind. As long as it’s you‚ it’s fine” Nakangising sambit niya. Namilog ang mata ko at basta na lang siyang tinuro.
“Crush mo ako nuh?” Natatawang birong tanong ko.
“Crush? Wtf is that? We are not high school student to have a crush anymore” Masungit na usal niya.
“Edi love mo ako!” Biro ko pa.
“You got it right” Sagot niya dahilan para mas lalong mamilog ang mata ko. Nginisihan niya lang ako ng nakakaloko.
“Masamang biro yan‚ tol” Umiiling na sambit ko.
“I’m not joking.” Mariing sambit niya‚ napatingin ako sa kaniya. Magsasalita na sana ako nang magsalita ulit siya.
“What do you want for dinner? I bet hindi ka pa kumakain” Iniba niya agad ang usapan.
“Are you into guys?” Deretsang tanong ko. Tumingin siya sakin.
“What if I am?” Sinagot niya ng tanong ang tanong ko. Napalunok ako at kumurap.
“Bakit ako?” Iyon na lang ang naitanong ko.
Bumuntong hininga siya ng malalim‚ tinitigan ako nang mariin.
“I don’t know. Kailangan ba talaga may dahilan kapag nagkakagusto sa isang tao?” Tanong niya. Tumango ako sa kaniya.
“Siguro gusto mo ako dahil naaawa ka sakin? Pwede ang ganon” Sagot ko sa kaniya.
“Hindi ako naaawa sayo.” Mariing sagot niya.
“Gusto mo ako dahil gusto mo ako? Ganon lang? Ang weird naman” Natatawang sambit ko.
“Do I really need a reason to like you? I like you because I like you‚ that’s it.” Masyado siyang straightforward‚ masyado siyang direct to the point. Hindi siguro uso sa isang ‘to ang kalma.
“I like you because you are you. I don’t need any reason to like someone. I like you because my heart wants you. This is not just an ordinary like‚ Zamora. I’m confessing right now but it doesn’t mean you have to like me back‚ I’m not asking for you to like me back. I’m contented liking you without any return.” Mahabang paliwanag niya. Hindi ako nakasagot. Hindi ko inaasahan na pagkatapos ng nangyare kanina ay sa ganito kami mapupunta.