CHAPTER THIRTY-EIGHT

944 30 4
                                    

Satania Pov:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Satania Pov:

Tinitigan ko ang babaeng nasa 20s lamang na nagsasalita sa harapan ko. She's beautiful and morena, nakasuot ito ng puting polo na may corset at isang fitted skirt na hanggang tuhod nito at brown na boots. Maikli lang iyong buhok niya na kulay dark blue. Pero ang mas nakakaagaw pansin ko sa kanya ay iyong kulay yellow niyang mga mata. It's very rare to have that kind of eyes.

"Goddess He-"

"Ms. Paulina, paulit-ulit nalang po yung sinasabi niyo sa amin." Reklamo ng isa kong kaklase.

"Oo nga po, Ms. Paulina"

"Iba naman po!"

Pag-iingay nila ngunit tanging tawa lamang ang isinagot nito sa kanila 'tsaka panandalian akong tinapunan ng tingin bago ibinalik sa kanila.

"Guys, we have a new student here, so huwag nalang magreklamo, okay? Hahahahahhaha ayaw niyo pa nun, mas lalong lalawak ang kaalaman niyo tungkol sa ating mundo," she smiled.

Rinig parin ang pagreklamo ng iba tapos nasasali pa talaga pangalan. Bakit ako ba nagtuturo, ha?! Ako?! Parang kasalanan ko pa, bwesit.

"Okay, let's continue." She clapped her hands to get their attention. "Goddess Herena was the one who built this world of ours. Ginawa niya ang mundong ito para sa mga taong may kakayahang gumamit ng kapangyarihan. Matapos niyang gawin ang mundong ito ay matagal ng nakatakda ang kanyang paglaho. But, before it happened, she gave her power to those people who deserve it. To protect this world and people."

I don't know pero nakuha nito ang aking atensyon dahil agad akong napaayos ng upo.

"Dalawang tao lamang ang nabibigyan ni Herena nito bago siya naglaho... ito ay ang hari sa mundong ibabaw at ibaba," she said.

Ibig s-sabihan si Uncle Draco ang nabigyan nito?

"Alam ko 'yan, Ms. Paulina! It was the grandfather of Prince Lusiano." Nakangiting ani nung isa kong kaklase na lalaki.

Hala! Edi sino?

"Right! And the other one is King Lazaro of the underworld," Ms. Paulina said while wearing her smile.

Lazaro? Sino 'yan? I've never heard that name before.

"It was your grandfather, Satania. Me and your uncle's father."

Rinig kong boses ni mama saking isipan.

Bigla akong nagulat matapos kong malaman na iyong lolo ko pala ang pangalawang tao na nakatanggap ng kapangyarihan galing kay Goddess Herena! Kung may kapangyarihan na sila, 'ibig sabihin mas lalong lumakas ito dahil kay Herena? Wow!

"Dating magkasundo sina Haring Lazaro at Robert, napag-isipan nilang magsanib pwersa upang protektahan ang mundong ito. Ngunit nang magtagal ay parang naging gamahan si Haring Lazaro sa kapangyarihan kaya nagplano siyang pagtaksilin si Haring Robert at ito ang naging rason kung bakit nasira ang kanilang pagkakaibigan. Ngunit hindi siya nagtagumpay dahil agad rin itong nalaman ni Haring Robert. Nilamon ng kasamaan si Haring Lazaro kaya sunod-sunod ang pag-atake ng mga halimaw dito sa atin bago ito nagdeklara ng digmaan. Takot at pangamba ang nararamdaman ng bawat tao dito sa ating mundong ibabaw kaya nagsagawa ng plano si Haring Robert kasama ang ibang hari sa tatlo pang palasyo kasama ang mga anak nila kung paano ito talunin. Nang dumating na ang araw na kinatatakutan ng lahat, agad na nagtago ang mga tao sa lugar kung saan sila ligtas lalo na yung mga hindi nabibiyaan ng kapangyarihan. Maraming sugatan at napatay na mga kawal sa ating panig ngunit hindi parin nagawang magtagumpay ni Haring Lazaro dahil ang kanyang pinakamalapit na kaibigan mismo na si Haring Robert ang tumapos sa kanya upang matigil na ang labanan. Masakit man sa parte ni Haring Robert ang pagpatay sa matalik na kaibigan, ngunit wala na siyang pagpipilian pa dahil tuloyan na itong nilamon ng kasamaan at ito lang ang tanging paraan para matigil ang lahat. Matapos ang lahat ay marami ang naging masaya at nagdiwang sa pagkapanalo natin laban sa kasamaan ni Haring Lazaro. Naging tahimik ang mga nagdaang taon 'tsaka wala nang nabalitaan na meron pang umaaligid at umaataking mga halimaw o darkmage," mahabang kwento ni Ms. Paulina.

The Hidden Daughter (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon