Pagmulat ng mata sa umaga'y ingay ang bumabati,
Sa bawat sulok ng tahanan, mura'y namumutawi.
Almusal ay galit, tanghalian ay poot,
Sa hapunan ay ngitngit, sa puso'y kumukurot.Pangarap ko'y lumaya sa gabing walang sigaw,
Sa katahimikan na hindi binubulag ng galit na mababaw.
Ngunit paano magsisimula, anong landas ang tatahakin,
Kung bawat hakbang ay tila sa putik nakalublob din.Hangad ko'y pag-asa, sa araw na darating,
Na sa bawat pagsikat ng araw, kapayapaan ang dadalhin.
Sa pagnanais na magbago, sa layang inaasam,
Isang bukas na tahimik, sa galit ay lilisan.