Chapter 16

1.1K 41 4
                                    


Andrius

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi habang pinapanood siyang mag-aral. Nagising na nga lang ako na may kumot at unan na ako e, mukhang siya ang may gawa.

Isa siya sa magandang halimbawa na action speaks louder than words. Feeling ko nga act of service ang love language niya.

“That’s all for today. Class dismissed,” our prof said. We bid our good bye.

Napatingin ako sa mga kaklase kong nagbubulungan‚ kumunot ang noo ko dahil para silang mga kinikilig. Women.

“Anong ginagawa ng isang yan sa department natin?” Napatingin ako kay Zed dahil sa tanong niya. Nakatingin siya sa labas ng classroom.

“Oh my god! What is he doing here?” gulat ang karamihan sa kanila. Hindi na ako nakatiis kaya tinignan ko rin kung sino ba ang pinag-uusapan nila.

Mas nagulat ako dahil sa nakita‚ ngayon naiintindihan ko na bakit ganiyan ang reaction nila.

It’s Cassian. Nakasandal siya sa pader sa harap ng classroom namin habang nakapamulsa. Deretsong nakatingin sakin‚ walang pakialam sa mga babaeng kanina pa siya tinititigan.

Inis kong tinignan ang iba. Ano? Ngayon lang sila nakakita ng tao? Mga bwesit.

Tinignan ko ang lalaking nasa labas ng classroom namin. Pinagkunotan ko siya ng noo‚ tinaasan niya lang ako ng kilay.

Mabilisan kong inayos ang mga gamit ko at basta na lang tinapik si Zed. Hindi ko na siya hinintay na umangal.

Nilapitan ko ang taong dahilan kung bakit parang mga kinikiliti ang kababaihan dito sa department namin.

Napangiwi ako ng makita ang itsura niya. He is just standing there pero kung kiligin ang mga babaeng ito akala mo ay may ginagawa siya. He is intimidating but handsome. An intimidating handsome.

Tumayo siya ng deretso nang magkaharap kami. Tinignan niya ang kabuuhan ko bago tumingin sa mukha ko.

“What a 4th year pre-law student doing here?” Nakataas kilay na tanong ko. Ngumisi lang siya sakin at basta na lang kinuha ang bag ko.

“I’m here for you,” he obviously stated the fact. Wala man lang ginawang ibang rason.

Napakunot ang noo ko at agad na nagsalubong ang kilay, “why? Wala naman tayong usapan na susunduin mo ako‚ and bakit mo naman ako kailangan sunduin?” nagtatakang tanong ko. Malalim siyang bumuntong hininga.

“You didn’t bring your car with you‚” sambit niya, at alam ko naman iyon dahil sa kaniya ako sumabay.

“So what?” nakataas kilay na tanong ko.

“I’m fetching you obviously," obvious nga. "You are going home with me,” mas lalong kumunot ang noo ko. Ano naman? Porket sa condo niya ako nag s-stay ngayon it doesn’t mean na kailangan niya ako sunduin. 

“Tsk! May practice pa ako sa basketball. Baka gabihin din kami kaya mauna ka na,” sagot ko sa kaniya. Umiling lang siya.

“I’ll wait for you,” final na sambit niya. Hindi ako hinayaan na tumanggi ulit sa gusto niya.

“Bahala ka sa buhay mo‚ teluk ka rin e no? Maboboring ka lang,” sambit ko at nauna na maglakad‚ agad naman siyang sumunod.

Marami ang nakatingin samin‚ lalo na sa kasama ko ngayon. Pero mukhang itong isa ay walang pakialam.

“I don’t mind. And besides‚ I know hindi ako maboboring doon kasi ikaw naman ang panonoorin ko,” napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

Under Of HimWhere stories live. Discover now