BEAT 9

5 0 0
                                    


Jane excused me from the shoot and dragged me to the dressing room. Pagsara niya ng pinto ay mabilis siyang humarap sa'kin. God, I think she's pissed off na rin.

Paano ba naman, kanina pa lumulutang 'yung isip ko at pangalawang photoshoot ko na 'to. Mabuti nga ay hindi nainis sa'kin ang crew nung naunang shoot ko pero ngayon, parang napipikon na yung client dahil nandito rin siya sa set.

"Okay ka lang ba?"

Napapikit ako ng madiin nang marinig ang tanong niya. I thought she's gonna scold me for my shortcomings today. I was slowing down the session because my mind is flooded. Kahit ako ay naiinis na rin sa sarili.

Jane just listened to my story at wala naman siyang ibang sinabi sa'kin. Muntik pa siyang umiyak dahil sa mga nalaman niya. Niyakap niya lang ako non hanggang sa maihatid nila ako sa condo.

It's almost a week na but what's bugging me was Gin. His words threw me off talaga at ilang gabi rin akong puyat. Buti sana kung ang dahilan ay kagwapuhan niya at panglalandi niya sa'kin pero hindi!

I'm mad that he's right.

Lahat ng choices ko ay hindi ko naman binigay sa sarili ko. It's to please the people around me. Nung bumisita pa ako kay Ate ay parang inaaway niya 'ko kasi biglang umulan sa gitna ng pagkukwento ko sa kanya. May kasama pang kulog!

"Cel? Gusto mong itigil muna yung session?" Jane held on to my arm kaya naputol ang pag-iisip ko. Ayoko pero ang dami ko talagang iniisip at hindi matahimik ang utak ko.

"Hindi ako mapakali, sis. Parang gusto kong manampal..." ng gwapo. She just sighed at me. 'Di ko naman nasabi out loud yung panghuli, ano? Baka narinig niya!

"Girl, alam mo ika-cancel ko na 'to. Maghintay ka nalang dito." Hinila niya ako palapit sa sofa at pwersahan akong pinaupo. Magsasalita pa sana ako pero pinigilan niya ako saka lumabas ng dressing room.

Nakabalik rin agad si Jane at tinulungan akong magpalit ng damit. While I remove my make-up, she tidies my things. 'Di naman siya nagmamadali pero parang natataranta naman ako. Para kaming tatakas dito.

What shocked me the most was her bringing me back to Debonair. I don't know kung paano niya nasabi kay Kuya Marlon nang hindi ko naririnig, but here we are.

"Wala ka sa ayos, kaya ayusin mo na 'yang mga iniisip mo," she said as we stopped infront of the building. Mula sa kanya ay tumingin ako kay Kuya Marlon na nakangiti naman sa'kin. "Tawagan mo 'ko kapag tapos ka na."

They left as soon as I got out of the car. Wallet at cellphone lang ang pinadala niya sa'kin. Tumingala ako at tinignan ang buong building. Iniwan na 'ko nina Jane dito, ano pa bang magagawa ko? I could leave, but my feet dragged me inside.

"Hello po, I'm looking for Vince?" tanong ko sa reception. It took her a minute to react to what I said. Siguro ay tinitignan niya kung scammer ako or something. Kinuha niya ang telephone at na-dial.

"Sir Vince, nandito si Miss Celestine... Okay po." Huh? Binaba niya rin agad ang tawag at saka humarap sa'kin. "Nasa third floor po si Sir."

"Thank...you?" I tilted my head at her then smiled afterward. Nakatalikod na ako sa kanya nang tawagin niya ulit ako.

"Pwedeng magpapicture?" nahihiyang tanong niya at nakataas na ang kamay na may hawak na phone. Ngumiti agad ako sa kanya at saka tumango. We took a few selfies before she thanked me. Nilinaw niya pa sa'kin kung paano ko makikita ang office ni Vince.

"Celestine!"

"Hi, Adrian." Humabol siya sa'kin nang magkita kami rito sa corridor paglabas ko ng elevator. Galing siya sa kabilang direksyon at may kinakain na chichirya.

Escaping Discorded BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon