Chapter 13

2.4K 118 124
                                    

Hi guys! I created a playlist for this story on Spotify pala. If you are curious, you can search "benrael" and it will immediately appear naman. Those songs are the ones that I'm using whenever I imagine Benj and Rael. Though ang iba doon ay sa succeeding chapters pa mai-rerelate sa story haha.

By the way, I hope you enjoy this chapter! Lovelots!

# # #

Warm

Ngayon lang ako napagod sa intramurals kahit wala naman akong sport na sinalihan.

"May birthday gift na ba kayo para kay Jennifer?" Problemadong tanong ni Diego habang abala ako sa pagbibilang ng kinita ko sa maghapong pagbebenta ng banana cue at juice. Napakamot ako sa kilay nang makalimutan ko kung naka-ilan na ako dahil sa biglaan niyang tanong.

"Ano ba? Tumahimik ka muna!" Reklamo ko bago umulit sa pagkwenta. Pinadaan ko sa dila ang hinlalaki ko bago ako nagpatuloy sa pagbilang ng mga benteng papel sa mabilis na paraan.

"Two hundred sixty ka na..." Ani Eros habang nilalantakan ang ilang natirang saging.

"Huh? Hindi ba one hundred forty?" Si Miggy naman na mas nagpagulo lang sa utak ko.

"Wala kasi akong maisip, pre! Pwedi kayang cash na lang na nakasilid sa angpao since may lahing intsik naman siya?" Patuloy ni Diego, walang pakialam sa reklamo ko.

Wala akong pinansin sa kanila.

Eighty.

One hundred.

One hundred twenty...

One hundred for-

"Meron pa ba?"

Agaran akong napatigil nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. And when I lifted my eyes from the money that I was holding, I was welcomed by a pair of hazel eyes that were already looking at me.

Bahagya akong napasinghap nang mapagtantong nasa harapan ko ngayon si Rael. Nasa loob ako ng stall samantalang nasa labas naman siya, napapagitnaan kami ng iilang tray at ng juice container.

I blinked. Simula noong magkausap kami sa bleachers last week ay ngayon lang ulit kami nagkita. Huwebes na ngayon. Noong weekend kasi ay hindi rin kami nakapagsession dahil umuwi si Mommy at nagyayang mag staycation ng dalawang araw sa karatig na probinsya.

I don't have the appetite to decline my mother's invitation since that time, I also wanted to avoid Rael because of my stupid thoughts after our talk. Ngayon, pakiramdam ko tuloy ay nanibago ako sa presensiya niya. Pakiramdam ko sobrang tagal ng panahong hindi kami nagkita.

I dropped my gaze on the counter and licked my lips.

The hell? What's this? Bakit parang namiss ko siya?

"Hoy, Benj, bibili yata!" Sita sa akin ni Miggy.

Umiling ako. "Ubos na, e."

Tumawa si Eros. "Ah, pasensiya na Rael. Nilantakan ko na kasi 'yong tirang banana cue. Akala kasi namin wala nang bibili since mag-aalas singko na..."

Nagpatuloy ako sa pagbibilang ng pera. Walang balak na bumaling ulit sa kanya kahit na ramdam kong pinapanuod niya pa rin ako. I suddenly felt conscious. Pakiramdam ko sobrang dugyot ko na sa maghapong pagbebenta. Nakakaasar.

"It's alright. How about the juice?" He said calmly.

"Hoy! Juice daw! Bigyan niyo!" Magaslaw na utos ni Diego kina Eros. Nanatili naman akong tahimik. I then heard Rael's low chuckle because of my friends' rowdiness. Napaangat ako ng tingin, naiinis sa kanilang lahat. Mga papansin!

Double TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon