..
Daniel
Nakatulala ako sa kisame ng kwarto ni Zayche. Kanina pa ako rito at balak ko sanang matulog para mas mabilis ako makapagpahinga pero ang isip ko hindi makapagpahinga dahil sa isang isipin na pupunta rito sila nanay.
Hinihiling ko na lang na sana ay hindi niya kasama ang tatay. Ang isipin lang na magkikita kami ulit ni tatay ay hindi ko kaya. Nakalimutan kong maaari palang matawagan nila nanay si Mang Karo, hindi ko naisip agad yon at ngayon...
Alam na nila kung nasaan ako.
"Daniel."
Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ni Zayche nang bumukas iyon at bumungad si Zayche na seryoso ang mukha. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at saka siya tiningnan na may pag-aalangan.
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.
"Bumaba ka na, nandiyan na mga magulang mo" sagot nito na nagpakaba sa akin ng matindi.
Napaiwas ako ng tingin at nag alangan na magsalita. Hindi ko alam kung kaya ko ba silang harapin, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nakita ko na sila.
Ngayon palang ay para nang tinatambol ang puso ko. Pinagpapawisan ako at hindi ko mapigilang manginig pero pilit kong itinatago ito kay Zayche.
Ngumiti ako, "Hm. Susunod ako, mag aayos lang." Saad ko at itinuro ang suot ko na iyun parin mula nung mapunta kami sa gubat ni Caile.
"Sige, sabihan ko na lang sila." Saad nito at marahang isinara ang pinto.
Napabuga ako ng hangin at humiga ulit sa kama. Bakit ngayon pa? Bakit kailangan pa nilang magpunta kung nasaan ako? Pilit ko silang tinatakasan pero nahahanap parin nila ako!
..
"Anak! Mabuti na lang at maayos ang iyong lagay!" Kaagad na bungad sa akin ni nanay pagkababa ko ng hagdan.
Nagmamadali itong lumapit sa akin at kaagad ako nitong niyakap. Nanuot sa ilong ko ang pabango niyang kasing halaga ng motor. Ang kalansing ng mga alahas niya, ang tunog ng takong niya.
"Nay..." Saad ko at kaagad namang humiwalay si nanay sa akin at nakangiting hinarap ako.
Ibang iba ang kaharap ko sa ina na inilarawan ko sa kanila. Isang kahig, isang tuka kung maikukumpara ang mga kwento ko sa kanila pero ngayon hindi ko na alam ang mukhang maihaharap ko sa paglantad ng totoong pagkatao ko.
"Kumusta na ang unico hijo ko? Isa ka parin bang nakadidiring nilalang?"
Nanigas ang katawan ko dahil sa narinig ko. Maging ang nanay ko ay natigilan at bumaling sa lalaking nakatayo sa pintuan ng bahay nila Mang Karo. Ang kaniyang suot ay sumisigaw ng kayamanan, puro gold ang nasa katawan niya.
Matatawag siyang 'naglalakad na kayamanan' dahil sa kaniyang mga ayos. Hindi ako nanggaling sa mahirap na pamilya dahil lahat iyon ay gawa gawa ko lamang. Totoong may sakahan ang tatay ko pero hindi simpleng sakahan, isang Haciendero ang tatay ko sa aming probinsya.
"Tay..." Saad ko at narinig ko ang pag-ismid ni tatay sa akin.
"Huwag mo akong matawag tawag na ama dahil wala akong anak na salot!" Singhal nito na nagpakirot sa dibdib ko.
Natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni tatay. Ako naman ay napatungo dahil nagsisimulang mangilid ang mga luha ko dahil sa mga sinabi niya. Ang sakit lang isipin na ang masasakit na salitang pilit kong kinakalimutan ay mismong sa kaniya ko ulit maririnig.
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
ActionMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...