Makalipas ang ilang oras ng pag tulog ay nagising na rin ako, grabe. 12:40PM na, mukhang malakas ata tama nung alak na binili namin ni Leo.

Naupo ako sa kama at agad akong nakaramdam ng hilo, hilo na para bang ilang beses akong pinaikot sa ferris wheel nang mabilis?

Kumalam rin ang sikmura ko and eto na, naka ramdam na ako. Tumakbo agad ako sa cr at sumuka, grabe. Hindi ko na talaga kayang uminom, umagang umaga eto agad, happy sunday beh!

Patuloy akong sumusuka sa toilet at 'di ko na namalayang naka tayo pala si Leo sa doorstep.

“ happy sunday 'no? Hinahanap ka sa'kin ng isang senior kanina, may aral ka ngayon tapos nag inom ka kagabi. Nag dahilan nalang ako na may sakit ka kaya 'di ka naka punta. ”

“ dyan ka pala. ” flinush ko na 'yung toilet at nag mumog ng bibig sa lababo, sinabayan ko na rin ng mouthwash.

“ inom pa, may pa-promise ka pa sa'kin na 'di ka na iinom, tapos kagabi uuwi kang lasing. ”

“ may permission ako from papa, siya rin nag aya. ”

“ and? ”

“ nakakahiya naman kung tumanggi ako. ”

“ pero mas nakakahiya na nagawa kong mag sinungaling para sa'yo. Kumain ka na dun sa baba, luto na ‘yung pagkain. Nauna na ako, si papa gisingin mo rin. Aalis ako ngayon, gabi na makakauwi. ”

“ sige-sige, saan pala kayo pupunta? ”

“ may meeting sa simbahan, tsaka mag aayos pa for founding anniversary ng parokya. ”

“ sige love, ingat ”

Humalik si Leo sa noo bago umalis ng bahay, pinuntahan ko na rin si papa sa kwarto at ayon, bagsak pa si Christian.

Naupo ako sa kama niya sabay tapik. “ papa ”

“ pa ”

“ pa ”

“ pa huy! ”

“ paaaaa ”

Bigla siyang nagising at naupo.

“ anong meron? anong nangyayari? ”

“ wala, kain na don, mag 1 PM na ”

“ una kana nak, susunod ako.  ” sabay balik sa pag higa.

“ ay si papa, tara na don. Dali na, ikaw ang lakas lakas mong mag aya ng inom kagabi tapos ikaw ngayon 'tong hume-heads down ”

“ ikaw rin naman bagsak kagabi ”

“ oo na oo na, ano i-aakyat ko nalang ba pagkain natin dito? ”

“ ayoko nga, madudumihan 'tong kwarto ”

“ kaya bumaba ka na don ”

“ si Leo nasaan? ”

“ busy sa church pa may gagawin sila for tomorrow's founding anniversary ”

“ oh, bakit hindi ka sumama? ”

“ hindi niya na ako sinama, kase diba nag inuman tayo ”

“ oo nga pala..”

Makalipas ang ilang oras at naka rating na si Leo, hindi ko namalayan na dumating na siya. Dahil na ring nasa kwarto ako ni papa, naka higa at nakikinuod sa tv niya. Halos kalahating oras ring nakauwi si Leo nang 'di ko parin namamalayang na sa kwarto na namin siya.

SEMINARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon