Sa muling pagpikit ng liwanag
Hinahapo'y patuloy ang pagtawag
Naghihintay, nag-aabang
Kung ika'y babalik pa ba sa ating tahanan.Hawak ang minsan nating pagmamahalan.
Tila tuyong bulaklak sa kalawakan
Naglaho nang hindi ko namalayan
Ngayo'y tanging halimuyak na lang sa'kin ay naiwan.Hawak ang busol ng pintuan
Naghihintay, nag-aabang sa walang kasiguraduhan.Kasabay ng pagkalat ng dilim
Ay pagsasara sa bintana ng mga alaala natin.Tahanang pundasyon ay tiwala
Pagmamahalang ngayo'y unti-unting nawawala
Tahanang binuo mula sa pag-ibig
Ngayo'y puno ng lungkot, walang sigla't himig.Babalik ka pa ba?
O isasara ko na?
Ang pinto ng tahanang napag-iwanan na ng tadhana.Babalik ka pa ba?
Sa tahanang binuo kasama ka.
Babalik ka pa ba? O hindi na?Sa pagmulat ng buwan
Unti-unti ko nang bibitawan
Ang pinto ng ating munting tahanan
Tagpuang saksi sa lubos na pag mamahalan
Ngunit nauwi sa walang katapusang sakitan.Bago ko ipihit ang busol
Sumilip muli sa siwang ng mga alaala
Hindi para umasang babalik ka pa
Ngunit para ibulong ang huling mga salita
“Salamat sa tahanang binuo
Patawad, alam kong hindi ito ang uuwian mo.
'Di isang kubong kakanlong sa gitna ng kawalan
Kundi isang palasyong puno ng pagmamahalan
Kasama ang taong mamahalin mo
ng walang hanggan."Isinara ko na ang pinto ng tahanan
Mahal, patawad kung hindi pala ako ang iyong uuwian.
Natantong pag-ibig nati'y hindi pangmatagalan
Dahil isa lang pala ako pansamantalang pahingahan.
YOU ARE READING
Of Lines And Poetry
PoetryBe able to read her deepest and darkest thoughts. It was hidden deep within her soul.