*Takbo Rhea takbo!
Pagkababa ng sasakyan tinakbo ko kaagad patungong crim building, chill lang ako kanina kaso biglang traffic sa may downtown tapos natanggap ko message ni Vinalyn sinabing nag start na klase at nagpa long quiz ang magaling kong asawa na walang magawa sa buhay. Halos mabangga ko na mga taong nasa unahan kada tingin ko sa Relo, almost 30 minutes na akong late! Papalapit ako ng papalapit hanggang sa narating ko ang front door. Tagaktak mga pawis at parang paubos na hininga ko.
"Ambrosio is still not here? It's almost been 30 minutes. I've already given her a consideration and if she goes over the time allotted, I'll mark her as absent." Narinig ko si Ines kaya agad ako kumatok, sakto paglingon nagkatinginan kami.
Itinaas ko isang kamay at hawak-hawak ng isa ang dibdib para pakalmahin ang sarili. "P-Present." Wala na akong laway na malunok sa sobrang dry ng lalamunan ko.
"If you're going to show up just when the class is almost over, why not just skip instead?" Sermon sa akin at lumapit.
"Traffic sa downtown, may banggaan pasensya-baka pwede pa humabol sa long quiz ma'am?" Sagot ko. Papasok na sana ako nang bigla niya ako harangin, sumulyap kaagad ako sa mga kaklase dahil nakamasid sa amin.
"You're practically on the verge of collapsing due to dehydration. Drink this and make sure you finish my quiz on time." Hindi malambing at hindi rin panenermon ang tono ng kanyang pananalita, casual talking ngunit sakto lang upang marinig ng buong klase ang kanyang sinabi.
Wala na akong panahon mag aksaya ng oras at kaagad kinuha ang kanyang bottled water bago nag excuse saka dumiretso sa aking upuan. Bahala na anong isipin ng iba, asawa ko naman yan di lang nila alam.
Kaagad ko sinimulan ang pagsagot sa kanyang mga isinulat sa pisara. Hindi naman sa uncomfortable pero pansin ko talagang sa akin nakatitig si Ines habang abala ako sa pagsagot. 10 minutes bago matapos ang first period niya ay tapos ko na sagutan lahat kaya dali-dali akong tumayo upang ipasa ang papel sa kanya.
"What? Giving up already?" Taas kilay niyang tanong bago inalis ang suot na salamin.
Umiling ako. "Tapos na ko." Sagot ko at ibinigay ang papel. Inaasahan ko talagang kumontra sya o insultuhin ako pero hindi nangyari, instead ay ngumisi siya panandalian at nag angat muli ng paningin sa akin.
"You finished even before your classmates did, are you sure all your answers are correct? Did you really answer everything within just 20 minutes?" Compliment o hindi?
"Ou." Di naman mahirap quiz mo.
"Really?"
"Matalino ako, ano magagawa mo." Don ay tila lumakas ng bahagya boses ko. Nagmukha tuloy akong mayabang at sa isip siguro ng classmates ko ngayon ang yabang-yabang ko.
"Go back to your seat." Tameme siya e, edi babalik.
Since may time pa naman bago matapos first period nya ay nag desisyon akong mag nap saglit. Pagod ako dahil kahapon at kasalanan yun lahat ni Amour, busy masyado ng buhay ko-dinaig pa celebrity sa daming schedules.
"Pass your papers." Naalimpungatan ako at dali-daling hinanap ang papel ngunit hindi ko makita, naalala ko una nga pala akong nagpasa. Tinignan ko ang relo at 9 minutes lang yung pikit ko.
"I'm giving you a 30-minute break before we start class. Make sure you're all back 5 minutes before the next class begins." Anunsyo ni Ines sa amin kaya agad nagsitayuan ang mga kaklase ko at lumabas. Pagod at puyat ako kaya wala ako planong bumaba para bumili ng pagkain, hindi naman ako mamamatay kung di makakain ng agahan.
"Rhea, cafeteria sama ka?" Agad akong umiling kay Vinalyn,
"Ikaw nalang, tutuloy ko yung naudlot ko na tulog." Sagot ko at muling ibinaba ang ulo sa desk saka pumikit.
YOU ARE READING
ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ (ꜱꜱ) : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ʀʜᴇᴀ ᴡʀᴇɴ ᴀᴍʙʀᴏꜱɪᴏ (ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx)
Tiểu Thuyết ChungUD : WEEKDAYS