Prologue

226 7 0
                                    

2022

[Magandang araw sa lahat! Kababayan!

Kami po ay natutuwa na ipahayag ang pagkapanalo ng bagong Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa halalan 2022. Sa inyong walang sawa na suporta at pagtitiwala, muling nagsilbing tagapagsulong ng pagbabago at pag-unlad ang ating mahal na bagong Pangulo.

Ang tagumpay na ito ay patunay ng pangako ni Pangulong Marcos sa ikayayaman ng ating bansa. Sa bagong administrasyon, inaasahan nating magpapatuloy ang mga makabuluhang reporma at proyekto na magdadala ng pag-asa at progreso sa bawat Pilipino.

Muli, maraming salamat sa inyong suporta. Tayo po ay sama-samang magtulungan para sa mas magandang kinabukasan at mas maayos na pagbabago.

Maraming salamat at mabuhay ang bagong Pilipinas!]

"Anong pinapanood mo diyan?" napabaling ako sa aking asawa nang marinig ko ang boses niya mula sa aking likod.

"Eleksyon." sagot ko habang hinihilot ang kamay ko dahil sa sakit. Dahil siguro sa katandaan, marupok na ang buto ko.

"Nanonood ka pa niyan? Jusko'y, alam mo na kung sino ang panalo." sabi niya at inabot ang remote para patayin ang telebisyon at umupo sa tabi ko.

"Kahirap talaga sa mga tao, bumuboto na nga sila, tapos ganyan pa rin ang nangyayari." sagot ko at sumandal.

Iniluklok nila ulit ang pamilyang buong buhay kong sisihin sa pagkasira ng lahat nangyari sa buhay ko.

Mga araw na buong tapang kong nilabanan ang diktadurya na nagpasakit sa buhay ko. Napakabata ko pa noon, punong-puno ng alab ng paglaban, ang puso ko'y tumitibok kasabay ng mga sigaw ng kalayaan. At ngayon, makalipas ang ilang dekada, ang anak ng taong nagdulot ng labis na paghihirap sakin ay handa nang umupo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Mukhang naramdaman ng asawa ko ang nararamdaman ko, kaya hinawakan niya ang kamay ko at hinimas himas yon.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko -parehong pangalan, parehong pamilya, muling nasa kapangyarihan. Parang isang pagtataksil, hindi lang sa akin, kundi sa maraming Pilipino na nakaranas ng Martial Law. Ang sakit ng mga panahong iyon ay sariwa pa sa aking alaala: ang takot, ang karahasan, ang pagkawala ng tatay ko.

Pero ngayon, tila binubura ang kasaysayan na yon, muling isinusulat ng mga hindi naman nakaranas ng bangungot.

Nagsalita ang asawa ko at hinawakan ang kamay ko "nakalimot na ang mga tao, Emilia. Marami sa mga nakaranas ng pinakamasahol ay wala na ngayon, patay na sila at yung mga nakaligtas naman siguro'y... pagod na sila. Gusto na lang nilang maniwala sa isang mas mabuti, kahit na ito'y isang kasinungalingan o kaya naman hindi na lang sila nagsasalita dahil mas maraming matandang naniniwala sa mali."

Naalala niya ang mga kwento ng matatanda sa social media na ngayon ay sinasabi na hindi naman ganoon kalala ang Martial Law, na ang mga bagay ay mayaman, kahit pa nga'y mapayapa daw. Pero alam ko ang katotohanan-ang mga naghayag o ang mga lumaban, ay wala na dahil pinatay. Ang mga nakaligtas ay hindi naman lumaban, hindi sila nasangkot sa gulo dahil hindi sila lumaban sa kalayaan nag pa alipin sila sa nagta-taas-taasan.

Paano nila masabi na iyon ang golden age? Ang bansa ay nalunod sa utang! Nagbabayad tayo sa mga utang na hanggang ngayon binabayaran pa rin ng bansa. Paano nila nakalimutan iyon?

Ang naaalala lang nila ay ang mga imprastruktura, ang mga proyektong itinayo. Pero nakalimutan nila-o piniling balewalain-ang presyo na binayaran natin para dito.

Tinatawag na nilang aktibista o NPA ang nagaklas noon pero hindi nila alam kung bakit naman kami nag aklas, hindi nila alam ang hirap dahil wala si doon. hindi ba nila alam na walang NPA bago ang martial Law? kung meron man konti lang pero ang NPA ay dumami dahil reaksyon yon ng mga tao sa mga pang-aabuso, sa kakulangan ng kalayaan at pang aabuso ng gobyerno sa kanila.

Ang gobyerno noon ay gumawa ng naratibo na nagpipinta sa aming lahat bilang umaaway sa kanila bilang mga kaaway ng pamahalaan. Binigyan nila kami ng label ang sinumang tumutol sa kanila bilang NPA o terorista upang bigyang-katwiran ang kanilang pang aabuso.

Kami ay mga taong nagnanais ng kapayapaan, ng kalayaan. Kami ay lumaban laban sa hindi pagkakapantay-pantay at kalupitan na aming naranasan, hindi upang patalsikin ang gobyerno. pero dahil naghayag kami ng aming saloobin, kami ay tinawag na mga kaaway dahil lang hindi kami sang ayon sa pananakit o pang aabuso nila.

wala kaming nagawa kundi pumasok sa laban na ito dahil inabuso ng gobyerno ang aming karapatan. Hindi namin pinili na maging rebelde; kami ay itinutulak ng gobyerno sa pag aaklas sa mismong aming pamahalaan na dapat sana ay nagpoprotekta sa amin. Nais lang naming mamuhay sa isang bansa kung saan kami ay malaya at ligtas.

Ako ngayo'y 69 years old na pero hindi ko malilimutan ang taong 1972 kung saan nabago ang buhay ko sa kamay ng aming iniluklok sa pwesto.

Martial Law (1972) | ONGOINGWhere stories live. Discover now