KINABUKASAN

medyo tinanghali na ako ng gising dahil na rin sa pagod sa anniversary ng parokya, napansin ko rin na wala na si papa sa tabi ko.

Naupo ako sa kama at kinuha ang cellphone, pag ka open ko nito ay agad namang may bumungad na message sa'kin si Leo.

“ good morning love, umalis muna ako. Bumisita kina tito, nilutuan ko na din kayo ni papa ng pagkain. Kain ka na ah, ayokong nagugutom ka. Love you.”

ni-like ko lang ang message niya dahil may pagtatampo padin ako sa kaniya, at gawa padin ng ginawa niyang paninigaw sa'kin.

Alam kong hindi niya intensyon gawin ‘yun, pero may sakit parin akong nararamdaman.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba papuntang kusina, dun ko rin naabutang nag luluto si papa ng tanghalian.

“ oh, gising ka na pala ‘nak. Kamusta tulog? ”

“ okay naman ‘pa, tinanghali na nga ako ng gising eh. ”

“ si Leo, nasaan? Nakausap mo na ba? ”

“ umalis po, nasa uncle niya. Nag message po siya sa'kin kaninang umaga. ”

“ ah, ganon ba.. Kape ka na d'yan. Para medyo magising ka ”

“ sige po, wait lang. ”

“ nga pala, maaga daw natapos founding anniversary ng parokya ah. Saan kayo galing kagabi bakit late na kayo umuwi? ”

“ … ” hala lagot

“ ano, saan kayo galing? ”

“ sa ano po…”

“ saan? Amoy alak ka, 'di ko lang binanggit ”

“ sa isang senior po sa parish namin, inaya po kami.. Sabi po kase maaga pa po kaya sinama po kami sa bar ”

“ after ng church diretso bar? Sa susunod ayoko nang maulit pa 'yan, 'di porke pinapayagan kitang uminom e gaganyan ganyan ka na. ”

“ opo 'pa, sorry po. ”

Nag timpla na ako ng kape at ipinatong ito sa mesa bago umupo.

May messages padin akong na r-receive mula kay Leo, na humihingi ng apologies sa'kin. Nag decide na rin akong mag reply sa message niya para na rin tigilan na niya ang pag s-spam sa messenger ko.

“ ayokong maulit pa ‘yung nangyari kagabi, alam kong parehas tayong lasing kagabi, kaya papalagpasin ko pa. Pero sa susunod na maulit pa, ayoko na. ”

“ promise, hindi na mauulit. Sorry love. ”

“ okay. ”

Matapos kong replyan si Leo, umakyat muna ako papuntang kwarto, dala dala rin ang kapeng tinimpla ko. Nag decide rin ako na mag linis muna ng kwarto, para na rin maayos tignan kapag naka uwi na si Leo.

Hanggang ngayon, iniisip ko parin ‘yung sobre na pinatago ni Leo sa'kin sa cabinet kung bill nga ba talaga iyon?

Nag simula na akong mag linis mg kwarto at mag tupi ng mga gamit namin at nag papag narin ako ng higaan namin para na rin malinis kahit papano, nakita ko ring na sa higaan ang bible ni Leo at kinuha ito para ilagay sa drawer.

Binuksan ko ang drawer namin at nakitang bukas na ang sobre na na sa loob ng cabinet, pero ang papel ay nasa loob padin. “ binuksan siguro 'to ni Leo, pero bakit hindi bill ang na sa loob? ”

SEMINARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon