AndriusIsang linggo na akong nag s-stay rito sa condo ni Cassian. Sa isang linggong iyon ay palagi niya akong hatid-sundo‚ walang araw na hindi niya ako ihahatid at susunduin sa classroom. Maraming nakakakita pero wala siyang pakialam. Maraming nagtatanong sakin bakit daw hatid-sundo ako ng isang iyon‚ sinasabi ko na lang na palagi kaming sabay pumasok at umuwi. Totoo naman e.
Sa isang linggo rin na iyon ay hindi man lang tumawag ang mga magulang ko. It bothers me but not much. I'm used to it. They wanted this anyway.
It's sunday morning. Kagigising ko lang‚ nagising ako dahil sa amoy. Parang may nagluluto. Kahit sino siguro ay magigising kung ganito kabango ang maaamoy nila.
Pagkatapos ko maghilamos at dumeretso ako lumabas ng kwarto. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuhan ng condo at nakita si Cassian sa kitchen. Kaya pala naaamoy ko na mabango kasi nagluluto siya.
He looks at me and smiled. Kusa akong napangiti nang makita siyang ngumiti. Nakakahawa talaga ang ngiti niya.
I licked my down lips when he gestured me to sit down. I obeyed him.
"Do you want anything else for breakfast?" He asked me while looking at the food he is cooking.
Umiling ako. Yong niluluto niya pa lang ay mukhang masarap na.
"Nothing. Anything is fine." I told him. Tumango siya.
He looks at me again‚ tinaasan ko siya ng kilay.
"You look good" Napangiwi ako sa sinabi niya. Wala pang ligo yan pero looks good na agad? Masyado naman 'tong halata.
"Umagang-umaga bumabanat ka‚ hintayin mo naman humapon" Pangbabara ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako.
"What do you want us to do today? It's sunday‚ I can do my school works later night." Sambit niya. Agad akong napaisip dahil sa sinabi niya.
"Let's go get coffee? Mall? I wanna have fun with you" That's true. I really want to have fun with him.
Ngumisi siya dahil sa narinig.
"You don't like me?" Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.
"I just wanna have fun with you‚ what's wrong with that? Assuming ka na naman parekoy" Siya naman ang napangiwi. Alam ko kung bakit‚ dahil iyon sa tinawag ko sa kaniya. Ayaw na ayaw niya na ganon ang tawag ko sa kaniya.
"I told you I hate being called like that‚ Zamora" Sambit niya habang nilalagay ang mga niluto niya sa lamesa.
Mapang-asar akong ngumisi pero sumimangot lang siya.
Pinanood ko siyang lagyan ng pagkain ang plato ko. Alagang-alaga. Hindi naman siguro halatang patay na patay 'to sakin. Sa tuwing maiisip ko na ako ang gusto niya‚ hindi ko mapigilang matuwa.
"You like me that much?" Natatawang tanong ko. Tumango siya.
"Uhuh" Sagot niya habang tumatango. Walang pag aalinlangan ang sagot niya. Talagang straightforward siya. Natawa ako.
"You don't know how to hide your feelings towards me‚ you do?" Mapang-asar na tanong ko. Ngumisi lang siya.
"Why would I hide my feelings for you? You're a big deal‚ Zamora. I don't want to lose my chance." Paliwanag niya. Bahagya akong natawa.
"Are you courting me already?" Tanong ko sa kaniya. Pinapanood siyang lagyan ng pagkain ang plato niya.
"You don't know? Are you really that stupid?" Natatawang tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Nagtatanong lang naman ako amp.