Natapos ang kanilang pag-eensayo ngunit ang akalang makakapagpahinga na ay hindi pa pala. Dahil dumating ang aking pinsan na si Prince Mourad upang ipaalam na nais sila makausap ng hari. Bakas man sa akin ang pagtatanong ay alam kong labas na ako roon. Hindi naman din nila iyon ipapapaalam sa akin lalo na kung walang pahintulot ni ama.
Bumalik na lang ako sa aking silid at naabutan doon si Adina na naglilinis. Nilingon niya ako at ngumiti. Mahinhin itong naglakad upang salubungin ako.
"Tapos na ang kanilang pag-eensayo?" kuryoso niyang tanong.
"Tapos na. Pero pinatawag sila ni ama, siguro'y may panibagong pagpupulong na naman."
"Mukhang napapadalas na ito," naiiling niyang sabi.
"Sa pag-atake na nangyari ay alam kong hindi malabo na mangyari iyon ulit. Hindi na basta basta ang ating mga araw. Dahil baka sa isang iglap ay muli na naman silang pumunta rito."
"Hindi ko mapigilang mag-alala para sa'yo, mahal na prinsesa. Sigurado ba na magiging ayos ka lang sa iyong paglabas-labas ng silid? Alam kong matagal mo na itong gusto, ang makasama ang iyong nga kapatid at magkaroon ng mga bagong kaibigan. Pero kalakip no'n ay maaaring maging delikado rin para sa'yo," mahinahong sabi ni Adina.
"Hindi imposible, Adina. Dahil simula ng magkaroon ako ng pagkakataon na maging malaya at makalabas ng aking silid kahit normal na mga araw lang, ay malaki na ang naging epekto sa akin. Marami akong nalaman at natuklasan sa bawat araw ko na namamalagi sa loob ng palasyo."
Hinawakan ni Adina ang aking mga kamay at iginiya sa aking higaan.
Mukhang marami ka na rin nalalaman patungkol sa gulo na ito, mahal na prinsesa. Humihiling ako sa iyo na lagi kang mag-iingat. Iyon lamang..." tumango ako at niyakap siya sa kanyang baywang.
"Makakaasa ka, Adina."
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik at ang paghaplos nito sa buhok ko.
Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil mayroon pa akong klase. Nasalubong ko ang mga Kamahalan at saglit na nagkausap. Nagmamadali ang mga ito dahil ang aking balita ay lalabas sila ng Vebotija ngayon.
Iginugol ko ang aking oras sa pag-aaral. Ang aking bagong guro na si Gurong Yntia ay tutok din sa akin. Natitiyak ko na noong nasa ganitong edad ang aking mga kapatid ay mas malala pa ang kanilang pinag-aaralan. Dahil tinanggal ang pisikal na subject sa aking pag-aaral kaya puro history ang aking pinag-aaralan at mga pagguhit.
Tumingin ako sa bintana. Asul ang kalangitan ngayon. Mukhang maganda ang panahon. Sana lamang ay walang aberya ang mangyari sa mga kamahalan sa kanilang paglabas ng palasyo.
Nang matapos ang aking klase ay nagdesisyon akong maglibot sa palasyo. Maaari ko naman iyong gawin. At sa aking paglalakad ay nakita ko si Lady Remedios na nakaupo sa damuhan. May dalang libro at tutok na tutok dito. Nilibot ko ang aking tingin ngunit hindi ko naman matagpuan ang aking pinsan. Mukhang nag-iisa lamang siya.
“Magandang hapon, Lady Remedios.” Nakangiti kong bati sa kanya.
Mabilis itong nagbaba ng kanyang libro at sinuklian ako ng ngiti.
“Magandang hapon, Cresentia. Mukhang hindi ka pinagbawalan ngayon, ah? Tsaka yung pinsan mo hindi ko makita.”
“Baka may ginagawa lang siyang importante. Ang alam ko ay hindi naman siya kasama sa paglabas ng Vebotija ngayon.”
Paglingon ko sa kanya ay titig na titig na ito sa akin. Bigla naman akong nahiya. Naupo ako sa kanyang tabi at tiningnan ang hawak-hawak niyang libro. Dahil sa paninitig ko doon ay napansin niya ito.
YOU ARE READING
Scarlet of Arrows (Book 1)
FantasíaScarlet of Arrows Trilogy (Season 1) Originally Started: July 2014 Started: November 30, 2021 Status: on-going ✿✿✿✿✿✿ Ang buhay na mayroon si Cresentia ay hindi katulad ng mga batang prinsesa sa isang palasyo. Sa batang edad na labing-limang ta...