Chapter 20

666 28 4
                                    


Andrius

Maaga akong nagising dahil sa sakit ng ulo. Nahihilo pa ako. Hindi na talaga ako iinom.

Alas nuebe pa ang pasok ko at alas sais pa lang ng umaga.

Lumabas ako ng kwarto para uminom ng malamig na tubig. Naabutan ko si Cassian na nagluluto.

Ngumiti siya nang makita niya ako.

“Good morning” Nakangiting bati niya. Kakamot-kamot ako sa batok at bahagyang humikab pa.

“Hmm‚ morning.” Bati ko pabalik. Tinignan ko saglit ang niluluto niya bago lumapit sa ref at kumuha ng malamig na tubig.

“Zedrick called‚ he told me to tell you that you don’t have classes today.” Nakatingin ako sa kaniya habang umiinom.

“Wala naman text o chat sakin‚ pano mo nalaman?” Tanong ko pagkatapos uminom.

“He has my number. He knows that you’re staying at my condo. Si Zaven lang naman ang pinagsabihan ko kaya for sure si Zaven ang nag kwento sa kaniya.” Paliwanag niya. Tumango ako at umupo paharap sa kaniya.

“I also don’t have class today. My mom wants me to go home‚ wanna come with me?” Tanong niya habang nagpapatuloy sa pagluluto.

“Family day niyo naman‚ ikaw na lang” Sagot ko. Umiling siya.

“I told her that I’m going home pero may kasama ako‚ she wants to meet you too” Sambit niya nang matapos siya magluto at nilagyan ang plato sa harap ko.

“Nakakahiya‚ pati ba naman doon sa bahay niyo magiging palamunin ako” Natatawang biro ko. Napangiwi siya.

“Hindi ka naman titira sa bahay namin‚ Zamora. We’ll just visit mom‚ and also Lucian wants to see you.” Paliwanag niya. Tumango ako‚ kung aayaw ako ay paniguradong mamimilit siya.

“Ikaw bahala‚ basta gusto ko caldereta ah” Pareho kaming natawa sa sinabi ko. Kapal din ng mukha e.

“Sure‚ I’ll tell mom about your favour.” Natatawang sagot niya. Ngumisi ako‚ hindi talaga makatanggi ang isang ito.

***

We arrived at their house. Their house is so big. Hindi na nga dapat bahay ang tawag dito e‚ dapat mansion na. Sobrang laki ba naman.

“Good morning po señorito” Bati sa kaniya ng isang maid nila. Tumango lang si Cassian at inaya ako na pumasok.

Pagpasok namin sa bahay nila ay literal na napanganga ako. Kung maganda sa labas‚ mas maganda sa loob. Malaki ang bahay namin pero hindi ganito ka-elegante. Ibang klaseng pamilya ang mga ‘to.

“Oh my goddddd! Honey! They’re here” Nagulat ako sa biglang sumigaw.

“Mom‚ calm down.” Pagsasaway ni Cassian sa nanay niya raw. Napangiwi ako dahil hindi mukhang nanay na ang isang ito. Sobrang puti at makinis ang balat‚ mukha siyang model.

Napatingin ako sa lalaking pababa ng hagdan. Sigurado akong daddy ni Cassian ang isang ito dahil sa itsura. Magkamukhang-magkamukha sila. Ngumiti ito samin.

“Hey‚ Son. You brought a friend‚ huh? New friend?” Bati niya agad sa anak. Ngumiti ako sa lalaki.

“I’m Cassiano Santiago‚ You are?” Nakangiting pakilala niya sakin. Aligaga akong napatingin kay Cassian na malaki ang ngisi‚ mayabang siyang tumango sakin.

“Andrius Zamora po Sir‚ Nice to meet you po” Tinanggap ko ang kamay niya‚ magalang ko rin na nilapitan ang mommy niya. Akala ko ay makikipag shake hands din‚ pero niyakap niya ako.

Under HimWhere stories live. Discover now