Prologue

20 5 0
                                    

Prologue

Life is like a rollercoaster; full of ups and downs. Ironically, rollercoasters are my biggest fear due to my acrophobia. However, as we navigate college life, I realize that our journey will be a wild ride, much like a rollercoaster. Little did I know, it would exceed my expectations. Our lives are filled with disappointments, failures, and successes - a mix of emotions. But the most unexpected twist? A love story I never saw coming. Is it genuine love or just an experience? Maybe it's just a fleeting feeling.

***

"I like you, Yeshua." Napatakip ako ng bibig dahil sa narinig. Kasalukuyang nandito ako ngayon sa likod ng pader nakasandal habang nakikinig sa usapan nila Yeshua at Julena. Nakita ko ang dalawa na naglalakad na magkasama kanina sa hallway kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na sundan sila. Hindi ko alam pero kusa na lang na humakbang ang aking mga paa.

Ilang minuto na ang lumipas pero wala akong narinig na sagot mula kay Yeshua.

So, totoo nga pala talaga na gusto ni Julena si Yeshua?

Hindi ko alam pero natatakot at kinakabahan ako sa maaaring isagot ni Yeshua kay Julena.

At bakit ko naman ito nararamdaman? Well, simple lang, gusto ko si Yeshua.

"Julena..." Iyon lang ang tanging narinig ko mula kay Yeshua.

"I've always been by your side, Yeshua. Hindi ko gusto na maraming umaaligid sa'yo, we all know na maraming may gusto sa'yo!" Medyo may kalakasang sambit ni Julena.

"But, Julena.." pinilit ko na sumilip sa kanila at hindi naman ako nabigo. Nakatalikod sa akin si Yeshua habang nasa harap niya naman si Julena.

"I know you like me, Yeshua. Pero ano ba kasi yung pumupigil sayo?" Napalunok ako ng malalim.

So, totoo nga? Gusto rin pala ni Yeshua si Julena?

Sasagot pa sana si Yeshua ng bigla itong niyakap na lamang ni Julena.

"I will make you mine, Yeshua. You're mine, all mine." Nakita ko kung paano ito yakapin din pabalik ni Yeshua kaya napangiti na lang ako ng mapait.

"Love me, Yeshua. Love me." Saad ni Julena at pagkatapos nun ay kumalas na ito mula sa pagyakap kay Yeshua.

"That girl, she's no good for you. Alam mo 'yan." Pahabol pa nitong sabi. Agad namang nagsalita si Yeshua na ikinasakit nitong puso at damdamin ko.

"I don't like her, Julena. I don't like Seri at all." Parang may tumusok sa dibdib ko at pinunit ito ng ilang piraso.

Alam ko naman eh, pero kahit papaano ay umaasa ako. Pero, wala pa rin pala talaga.

This is what I am telling about, it was all Mr. President's fault, bakit ko paba siya nakilala? At bakit ko ba siya nagustuhan?

I think, Mr. President will never catch this unknown girl's heart.

Yeshua, will never catch my heart, he'll just let it fall, reason for it to break.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Catch my Heart, Mr. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon